Chapter 10

13 1 0
                                    

"...She went out of our room outraged!" Napahalakhak ang babae kong kaklase sa biro niya. Sumingkit ang kaniyang maliliit na mga mata at ang cute niya tignan sa bob cut niyang buhok na may bangs. Bumagay naman ang hair cut sa kaniya dahil sa oval na porma ng mukha niya.

Kasalukayan kaming naghihintay sa aming susunod na subject habang nagme-meryenda. Ngunit apple juice lang inorder ko dahil pinabaunan naman ako ng sandwhich ni Papa. Kaya lang parang wala akong gana kumain ngayon kahit paborito ko naman ang palaman nitong ham mayonnaise.

"What happened next, Audrey? Nag-klase ba kayo?" Naintriga rin ako sa tanong ng isa ko pang kaklase sa nagkukwento sa amin mula pa kanina. 

Audrey said that their Prof happened to forgot her laptop and her tablet. Mukhang wala rin ito kondisyon dahil buntis at nakalimutan pa ang lesson nila para sa oras na iyon. Hindi kami magka-klase ni Audrey except lang sa isang subject which is laboratory. She's jolly and updated kagaya ni Grace sa mga trends ngayon. 

Umiling-iling siya habang sumisipsip sa inorder na matcha milktea. "Hindi lang quiz kundi long quiz! Nag-discuss lang siya ng 5 minutes at diretso quiz sabay checking." 

Napa-face palm ang kaklase kong nagtanong at napatawa na lang ako sa kaniya pero mukhang mali ang pagkakaintindi nila sa tawa ko. 

Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Audrey saka inilapag ang inumin. "Siguro kahit hindi ka na mag-study, Rhys mape-perfect mo pa rin yung midterms." 

Tumawa nang mahina ang isa naming kaklase. Tumingin ako sa kaniya ng may ngiting nakaukit sa labi. Napatakip siya ng bibig  at parang naiilang sa akin saka umiling-iling. "Grabe ka naman, Audrey parang napakamatalino naman ni Rhys niyan!" Hinampas niya nang pabiro ang kaklaseng kausap.

Nakukuha ko naman ang ibig nilang sabihin pero ayaw ko lang mag-judge kaagad. Time has changed and I need to be matured in things like this. Dapat hindi na ako magpapa-apekto ng damdamin. 

"Joke lang naman, Rhys. Wait." Namimilong ang mga mata ni Audrey na nakatitig sa akin. "Don't tell me you are offended? Fuck! No way!" 

Mas lumakas ang tawa niya kaysa kanina na nagbibiro lamang siya tungkol sa Prof nila. Nakakarindi ang tawa niya kaya may mga students na napapalingon sa direksyon namin dito sa cafeteria. Ngumiti ako sa kanila at nag-bow nang kaunti upang humingi ng tawad.

May iilan na ngumiti sa akin at nakilala ako dahil kaunti silang nagulat nang magtama ang mga mata namin.

Napakamot ako sa aking batok at magsasalita na sana ako nang hindi ako nagandahan sa tabas ng dila ng babaeng ito. Naunahan niya akong magsalita at sa mga oras na ito ay parang pumunta sa ulo ko ang lahat ng aking dugo sa katawan. 

"Ibang-iba talaga kapag may Neo ka sa buhay mo no? Pahingi rin ng advice paano makabingwit ng isang Neo." 

Kinalabit siya ng kaniyang kaibigan sa braso. Lumingon naman ang babaeng ito na nasa aking harapan pa talaga. Kapag iinatin ko itong braso ko ay diretso ko siyang masasampal o baka hindi pa iyan ang maabot niya. 

Wala akong ideya na mayroon pa lang mga tao na kagaya niya. Parang gusto ko tuloy wasakin ang maamo niyang mukha sa mga oras na ito.

Pero parang umayon sa kaniya ang tadhana ngayon dahil nag-vibrate ang cellphone ko na nasa mesa ko lang nilagay at may tumatawag pala. Napahinga ako nang malalim bago nag-excuse sa kanila. Pero syempre iniwan ko na ang inorder ko pati ang sandwhich na nasa mesa pa at hindi nabubuksan. 

Wala na akong balak bumalik pa sa table na iyon at baka hindi ako makapagtimpi ay hindi lang sampal ang magawa ko sa kaniya at baka buong pagkatao niya ay mawawasak. Sayang maganda pa naman siya pero yung ugali--tsk nakakasuka.

The Guy I Called My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon