Chapter 50

6.1K 170 29
                                    

Chapter 50


"Ikaw! Tantanan mo na yung mga babae na yun. Tignan natin pag nakita mo na ang katapat mo." saway ko kay Jaxon. Nakatayo ngayon sila sa harapan ko pwera kay Lucas at Hunter na nasa tabi ko lang.

"Ikaw kasi." paninisi ni Ryan kay Jaxon.

"Anong ako?! Ikaw kaya nag suggest nun!"

Napalingon naman sakin si Ryan saka siya ngumiti. Siya ang pinakabata sa grupo at ang good boy sa kanila. Pero damn, ilang months lang ako nawala nahaluan na siya nang kabalastugan nung mga toh.

"Wag na wag niyo ngang tuturuan tong si Ryan. Ang bait bait nang iniwan ko, tapos pagbalik niyo ganyan na yan." Napatawa naman si Hunter kaya siniko ko siya.

"Sino sa kanila ang nagturo sayo nang mga kalokohan?" tanong ko. Napakamot naman siyang yumuko.

Ganito kami dati, nung wala pa kami masyadong inaalalang misyon noon. Ako ang parang ate nilang lahat kahit ako ang susunod na pinakabata kay Ryan. Mas matanda ako nang ilang buwan kay Ryan.

"Eh sina Calvin at Damien ang kasama niyan. Kaya wag mo masyadong sisihin si Jaxon, alam mo naman yan sa babae lang magaling." sabat ni Hunter nang hindi nagsalita si Ryan.

Napahawak ako sa noo ko dahil sa kanila. Nakakastress ah. Bumalik ulit ang kapilyuhan nila ngayong nakawala na kami sa orgnization na yun.

"Anyways, may gustong makakita sayo. Tara." sabi ni Hunter. Tumango na lang ako. Sumakay ako kasama si Lucas, while yung iba ay may kanya kanyang dalang sasakyan.

Masaya ako at unti unting bumabalik lahat sa dati. Ngayon pa at nandito ang mga kaibigan ko. Nung time na nasa rooftop na daw kami nina Kenneth ay narescue nila ang mga kaibigan ko. Naipadala sila sa hospital at ang mga magulang nila ay kanya kanyang kuha sa mga anak nila kaya hindi rin kami nagkita kita for the past years.

"Galit ka parin ba?" tanong ni Lucas  sakin. Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Ewan ko sa kanya.

"Huy, wag ka na magalit. Wala naman akong ginagawang masama." sabi niya which earned him a death glare. Bakit ba kasi ako sumakay sa kanya? Ewan ko rin, naiinis ako pero ayokong lumayo naman. Ang gulo. Mas umirap pa ako when he chuckled.

"Tapatin mo nga ako Hell, nagseselos ka ba?" napatitig ako sa kanya and laughed with exaggeration.

"Ako? Hahaha, ang assuming mo talaga noh? Hindi lang pala dibdib mo matigas, pati rin yang mukha mo." bulong ko sa huling sinabi ko.

"Ha? Ano yun?" ulit niya. Kaya sinigawan ko siya nang "Wala!"

Napailing na lang siya. Pero hindi mo maiitago ang pagngiti nito.

Habang nagmamaneho ito ay napatingin ako sa buong mukha niya. Nagsimula ako sa buhok.

Dark hair falling across his forehead which contrasts to his pale, light-skinned face. His eyes are as calm as the ocean. And his nose are just left there standing to it's perfection. And his lips, that same lips that claimed mines that always makes me loose control.

"Makatitig ka naman? In love ka na rin ba sakin?" nakangising sabi niya. Nagulat naman ako kaya mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya.

"Feeler." sabi ko at inirapan siya. Tumawa naman siya sa ginawa ko. Bakit ang hilig niyang tumawa?

Bumaba ito nang sasakyan kaya nagtaka ako. Kanina pa pala kami nakapark. Biglang bumukas ang pintuan na nasa gilid ko at nilahad naman ni Lucas ang kamay niya para alalayan akong lumabas. Hindi ko ito pinansin at bumaba na lang.

My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon