Sa mga hindi makabasa ng Chapter 23. Ito na oh.. Hope mabasa niyo na this time. Just let me know if hindi parin. Thanks!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 23
Kanina ko pa hinihintay si Brick na lumabas sa unit niya kaso mukhang ang tagal naman ata niya ngayon. Kung dati ay nakaabang na siya sa labas minsan, pero ngayon kalahating oras na ako naghihintay. Hindi niya ba naisip na baka ma late siya? Bahala siya, hindi naman ako ang malelate.
"Ang tagal naman!" inip na reklamo ko. Tinatawagan ko siya pero nakapatay ang phone. Bwisit naman oh! Malalagot pa ako kay Sir Gerard pag may masamang nangyari dun. Naisipan kong tawagan si Michael.
"Bakit napatawag niya?" tanong niya. "Nasa unit ba niya si Brick?" tanong ko din agad. "Hindi pa ba siya gising? Nasa school na kami ah." sabi naman niya. "Anjan yan. Iniuwi namin siya kagabi jan. Lasing eh." sabi niya. Nabigla naman ako. Akala ko ba hindi toh umiinom? "Ha? Uminom? Bakit?" tanong ko. "Binasted mo. Sige na. Gisingin mo na ang gagong yun. Bigay ko na lang passcode sayo. Start na ng klase eh. Bye." sabi niya at namatay na yung tawag ko. Maya maya ay natanggap ko yung text niya na nakalay ay passcode ng unit ni Brick.
Pinasok ko na dahil masyadong matagal. So naglasing siya just because i rejected him? Because i didnt take his confession seriously? Whatever.
"So waa kang balak na lumabas?! Naghihintay ako sa labas kanina pa!" sigaw ko dahil naabutan ko siya na nakaupo sa sofa niya at bihis na bihis na. Damn!
"What are you doing here?" nagulat ko ata siya, pero bumalik ulit ang pagsusungit niya.
"Sinusundo ka." simpleng sagot ko. Nangunot naman bigla ang noo niya.
"Why are you still doing this Hell? Are you torturing me? Tama na okay? I admit i fell for you. Talo na ako. Ako ang naunang nahulog. Ang manhid mo naman. Putangina tigilan mo na ako para makalimutan na kita!" galit na sigaw niya sakin. Napahinga naman ako ng malalim.
"Hindi ako manhind na hindi ko malalaman ang nararamdaman mo sakin Brick." malumanay na sabi ko. Pero sumabat naman siya. "Yun naman pala eh! Baki--"
"Pwede ba?! Patapusin mo ako? Nakakabakla na ang kadramahan mo sa buhay!" galit na sigaw ko na sa kanya. Kanina ko pa kinakalma ang sarili ko dahil naiinis ako sa kanya. Ang stressful niya. Mas mahirap siya i-handle kesa kay BC na kambal niya.
"Oh ano? May sasabihin ka pa ba? Sabihin mo na bago ako magtuloy sa speech ko para sayo." sarcastic na sabi ko. Ngumuso naman lang siya kaya napahinga na naman ako ng malalim. Mas isip bata ata toh kesa sa kambal niya.
"Im aware na gusto mo na ako. Pero ayaw naman kitang paasahin. I know you might think what im doing right now is making you assume something. But frankly, wala. Wala talaga eh. Hindi kita gusto Brick. Alam kong masakit pero mas masakit pag pinaasa pa kita diba? When you can have your time to find the girl who will suite you the best. And im not that girl."
"May mahal na akong iba kaya sana maintindihan mo." sabi ko. Napatingin naman siya sakin.
"Diba bumalik na siya? Yung lalaking umakbay sayo, yung lalaking humalik sa pisngi mo at yung lalaking sinamahan mo kaya nakalimutan mo ako ihatid?" nagtatampo yung himig ng boses niya at may kahalong selos.
"Kaya ba gumaganti ka na paghintayin ako dahil naghintay ka rin kahapon?" tanong ko na hindi naman niya sinagot. Nanahimik na lang muna ako.
"Hindi ako uminom sa school. Dahil baka malaman mo at magalit ka sakin. Hinintay kita hanggang uwian. Nasabayan ko na ata ang pinakahuling tao sa school kagabi pero hindi ka dumating. Daig ko pa si manong guard na nagbantay sa school dahil gabi na pero wala ka parin. Wala ka. Kaya nag aya ulit ako uminom kagabi. Para naman kahit sa sandali lang makalimutan kita."
BINABASA MO ANG
My name is Hell
ActionThe longer you dance with the devil, the longer you stay in hell.