Epilogue
Nakadantay ako sa dibdib niya habang siya'y hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung paano kami nagkasya sa couch but I'm basically on top of him. Namula ako dahil narealize ko ang nangyari. Paano ko na ngayon haharapin ang lahat ng problema. How are we going to tell our families? Lucas, Mariel and especially Maverick.
Wala namang kasalanan ang bata. Tatanggapin ko siya na parang anak ko. I'm fond of her and I will never be an evil stepmom. Pero paano nga? Madami kaming masasaktan. Matatanggap kaya nila kami?
"What are you thinking?" malambing niyang tanong pero may bahid ng takot na boses.
"Madami tayong mababanggang tao Brick. Paano natin maaayos ito?" nag-aalalang tanong ko. I heard him sigh in relief. I don't know what for.
"I already talked to Mariel. Alam niyang ikaw lang ang mahal ko. We agreed we are gonna stay together for the sake of Mav if ever you reject me again." hindi ko alam kung ano ang sasabihin. This man really love me! How can I ever love someone else and pretend he is him just so I can be happy? Wala siyang katumbas!
"My family knows how I'm crazy for you. They will understand. Baby, it will always be you." may kumurot sa puso ko. Kung ako lang ay bakit may Maverick ngayon? Siguro nga ay isang pagkakamaling kaya kong patawarin huwag lang siya mawala. Hindi ko na sinatinig iyon.
"D-did you regret what happened?" nag-aalanganin niyang tanong. Bahagya kong inangat ang katawan at tinignan siya sa mata.
"I did." nanlaki ang mata, pain crossed his face. Hinaplos ko iyon. "I was hoping our first would be in a bed." niyakap niya ako kaya nagface to face kami ng dibdib niya. I chuckled.
"You naughty girl. I hated seeing you in another arms. You should be punished." pero bago pa niya ako mahalikan ulit ay may kumatok!
"Daddy?" rinig ko ang maliit na boses ni Maverick. Hindi ko naisip na may mga tao pala sa labas! Nagkatinginan kami. He gave me a weak smile. Dali dali kaming nagbihis. Nang matapos ay inopen niya ang pinto at pumasok ang anak niya at nasa likod niya ang sekretarya ko. Ngumiti siya sakin saka lumabas at sinara ang pinto. Baka isumbong ako kay Lucas! I want to properly break up with him before this news get to him.
Binuhat niya ang anak at naglakad patungo sa couch kung saan... pinilig ko ang ulo ko. I shouldn't think about that right now.
"Are we going to pick up mommy?" tumikhim si Brick. Nagtitigan kaming dalawa. Bumuntong hinga ako. Hindi na lang ako ang nagmamay-ari sa kanya, may anak na siya at tanggap ko na iyon.
"Yeah." halos hindi marinig ang mga salita sa hina ng pagkakasabi niya. Tumayo siya habang buhat parin ang anak. Lumapit siya sakin at mabilis akong hinalikan. Mabuti na lang at ang ulo ng anak niya ay nasa leeg ni Brick at hindi sakin nakaharap.
"I have to talk to her. What time do you finish work?" tanong niya habang hawak ako sa baywang.
"Eight." tipid na sagot ko.
"I'll pick you up. Wait for me." he kissed me one last time. I watched him leave with his daughter. Umupo ako sa upuan at sinapo ang ulo ko. Did I do the right thing?
Parang ang bagal ng oras. I washed up in my bathroom inside the office, pero mabagal parin ang oras. May iilang text galing kay Lucas and it made me feel so guilty. Inabala ko ang sarili para matapos ko na lahat ng ginagawa. Nang mag-eight na ay wala paring sundo galing kay Lucas o kahit si Brick.
"Ma'am hindi pa po ba kayo aalis?" tanong ng isa sa waiter ko.
"Ako na ang magsasarado. Mauna na kayo. Ingat kayo."
BINABASA MO ANG
My name is Hell
حركة (أكشن)The longer you dance with the devil, the longer you stay in hell.