Chapter 53

5.1K 140 12
                                    

Chapter 53


"Bakit mo ako dinala dito?" taong ko habang busy si Lucas sa pag aayos ng truck niya. Actually, kotse ang dala niya kanina, pero bumalik kami sa condo niya para kunin daw yung truck niya  at bumili narin siya nang kung ano ano kaya heto kami at mejo hapon na . Ang traffic rin kase! 

"Basta. Sasabihin ko mamaya." nakangiting sabi niya. Hindi ko napansin na may mga blankets at pillows sa labas ng truck niya.

"Tulungan na kita? Bakit kasi andami mong dalang ganyan jan sa trunk mo? Diyan ka ba matutulog?" tanong ko.

"Hindi kaya ko na. Upo ka lang jan ako bahala." sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya while he's arranging those blankets and pillows in his trunk. Hindi ko rin maiwasan wag mag isip nang nangyari kanina. Ang daming nangyari. Parang kanina lang nasiraan ako nang kotse tapos nagpropose si Lucas at nagkita ulit kami ni Brick.

Everything was so unexpected. Hindi ko na alam. Naiinis ako kay Brick bakit pa siya nagpakita. After nang ilang years. Was it six years? Eh putang ina! Bakit pa siya nagpakita!

"You look mad? Is there something wrong?" napalingon ako kay Lucas. I sighed and shake my head.

"Kanina pa yan ah. Nahahalata ko. Come on, tell me. Baka naman pinagiisipan mo na ibalik ang sinsing." nakangiti siya pero kita mo ang sakit sa mga ngiti na yun. Napatingin ako sa singsing na suot ko. Hinawakan ko ito at hinimas himas.

"To be honest, this was the best part that happened to me today so far. So don't think I'm going to back out after I said yes." seryosong sabi ko at nabigla ako nang bigla niya akong binuhat kaya napatili ako.

"Thank you so much!" we just end up laughing at nilapag niya ako sa isang malambot na upuan kaya nilingon ko.

"Wow! Ang ganda. Haha, san mo nakuha ang idea na ito?" 

"Secret?" sabi niya at dinilaan ako.

Yung trunk ng truck niya ay nakalapag ang white comforter at may blanket na kulay pink at red. Tapos may mga throw pillows rin. Parang naing instant kama lang ito. 

At dahil sa nakaupo na ako ay tinanggal na niya ang sapatos ko. Habang ginagawa niya ito ay napangiti ako. Why am I even thinking about Brick who gave me heart aches when this guy can promise me forever happiness? 

Matapos niyang tanggalin ang sapatos ko ay tinanggal niya rin yung sa kanya at sumampa na rin siya sa trunk. Sumandal kami at tumingin sa kalangitan. Pagabi narin at dumadami na ang stars sa langit.

"So bakit mo nga ulit ako dinala dito?" tanong ko. Hindi niya kase sinagot yung kanina.

"Haha, chill. Manunood tayo ng meteor shower."

"Wow, really? You know samin tatlong magkakapatid, si Aisha ang pinakamahilig mag star gazing? Naku, lalabas yun ng umaga para lang manuod ng sunrise nung bata pa kami." masayang kwento ko.

"You used to do that too." rinig kong sabi ni Lucas. Napatingin naman ako sa kanya kaa tinignan niya rin ako. "But not because you love it, but because you were waiting for him."

Napatigil ako sa paghinga. Yes, I remembered those times. I was young and stupid. Stupid enough to wait for him knowing he wasn't coming.

"L-lucas." nag iwas siya ng tingin. Sa tagal naming nagkasama ni Lucas, alam kong nagseselos siya ngayon at nasasaktan.

"Bakit Hell, kung babalik ba siya, babalikan mo?" tinawag niya ako nang Hell. Wala na ang mga endearments niya. Seryoso nga siya.

"Look.." paninimula ko. "Hey, look at me." sabi ko at pinaharap ko siya. "Bakit, sino ba ang kasama ko ngayon? Di ba ikaw? Sino ba ang kausap ko ngayon? Diba ikaw? Kung tatanungin mo lang rin kung sino ang gusto ko kasama ngayon, syempre sasabihin kong edi ikaw."

My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon