20

479 15 0
                                    

THAT PERVERT OBSESSED WITH ME

ROMANCE

PART 20

      
              ****VIA'S POV****

"Oy ano kaya nangyari kay Zion noh...Kawawa naman sya hasyt grabe" sabi ng isang babae dito sa kompanya.

Pinilit ko na wag silang pansinin kaso...Parang may humihila sa akin para pakinggan 'yon.

"Talagang kawawa...ikaw ba naman iwanan diba...tsk...magmula nung naaksidente yang si Sir...Ganyan na sya..masungit at pinabayaan ang sarili" usal ng kausap ng babae.

"Diba nacoma sya...bakit?At wala manlang kwenta yung babae?...Hindi nya binisita si Zion" sabi pa nya.

"Sinabi mo pa..." usal ng kausap nya.

Napailing iling ako saka naglakad papunta sa upuan ko kung saan yung pwesto ko...Dinala ni rex si Zion sa ospital.......At ilang minuto lang ang lumipas..

Ang mga tauhan na walang ginagawa kanina at nagchichismisan sa tabi tabi ayun...nagsigalawan sa hindi ko alam na dahilan.

"Sir.."

"Okay kana sir?"

"Magaling kana sir?"

Napatingin ako sa pintuan..Si Zion kasama nito si Rex...Ganun pa rin ang itsura nya.....Bakit sya nandito...diba dapat nagpapahinga na sya...

"May dumi ba ako sa mukha?O baka naman....naiinlove ka?" Pabirong tanong niya ng makalapit sa akin.

"H-hindi...Wala...B-bakit kapa bumalik dito?...Dapat nagpapahinga kana" usal ko at pinilit na tanggalin ang kaba sa dibdib ko.

"Gutom lang daw toh.." tawang tawa na sabi nya bago pumasok sa opisina.

Nakita ko kung paano magkibit balikat si Rex...bakas sa muka nito ang pagka dismaya na hindi ko alam..

"Ano daw sakit nya?" Tanong ko kay Rex..pero imbes na magsalita sya hindi ito kumibo at parang hindi masabi sabi ang nasa dulo ng dila nya.

"May sakit ba sya?...Namamayat sya..t-tapos paran~"...

Hindi ko natuloy ng biglang lumabas si zion sa opisina at seryosong tumingin sa akin..

"Im okay Via...Don't worry...Im good...Hmm this....pampakalma" sabi nya saka inilapag ang isang baso ng kape at sandwich bago ito tumalikod sa akin.

"Yeah..H-hes okay" usal ni Rex.

Kahit sabihin kong okay lang sya...pero kabadong kabado pa rin ako...parang may gusto akong malaman na ewan...ugh basta...

"Via...gabi na hindi ka paba uuwi?" Tanong ng kasamahan ko sa akin.Umiling naman ako bilang sagot.

"Mauna kana...tapusin ko nalang toh tapos sunod na ako" usal ko...Ansakit ng leeg ko kakapindot sa keyboard at tutok sa laptop para lang matapos tong presentation para bukas.

"Via"

Napaangat ako ng tingin kay Zion.

"Umuwi kana...ako ng bahala jan...Baka hinahanap ka na ng mag ama mo" usal nya na ikinanlaki ng mga mata ko.

Mag ama...

Ah sh*t...Oo nga pala...ang akala nya si Joshua ang ama ni Nero...

"Hindi na...tatapusin ko nalang toh" sabi ko pa...pero nagulat nalang ako ng lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko para matigil sa pagpipindot.....Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan sa ginawa nya.

"Ako na Via...Sige na" sabi nya pa..

Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas....at sakto nasa parking lot si Joshua.

THAT PERVERT OBSESSED WITH ME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon