THAT PERVERT OBSESSED WITH ME
ROMANCE
PART 17
******VIA'S POV*****
"Joshua....ikaw na muna bahala kay Nero ha......Kailangan kong maghanap ng trabaho e" sabi ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.
"Via...Hindi mo naman kailangang magtrabaho e...sabi ko naman sayo diba....kaya ko kayo na buhayin" seryosong sabi niya.
"Joshua......Napag usapan na natin ito diba?...Hindi pa ako handa....Sapat na sakin si Nero sa buhay ko" sabi ko....Nakita ko naman kung paano siya bumuga ng hangin.
"Mommy aalis ka..." sabi ni Nero.
"Oo anak.....maghahanap ng trabaho si Mommy ha...Wag kang pasaway kay Tatay Joshua?Okay" sabi ko sa kanya.
At pagkatapos nga nun chinat ko na ang kaibigan ko na siyang magpapasok sa akin sa trabaho.
Nakatayo kami sa malaking gusali.
"Hala...alas otso na....patay...baka late na tayo.." usal ng kaibigan ko...Nakita rin namin ang ilang mga babaeng sunod sunod na naglalabasan.
Parang walang napala.
"Tsk...naghahanap ng trabaho ansungit naman"
"Oo nga...gwapo sana"
"Okay lang gwapo naman saka ang yummy"
"Tigil mo nga yan..."
Napailing iling nalang ako sa mga narinig ko.
"Ahh Maam...Via?" Sabi ng isang sekretarya.
"O-opo"
"Ayy Maam...Late na po kayo...kanina pa po nagsimula..." sabi ng babaeng nasa harapan namin.
"B-baka pwede namang pakiusapan yung boss nyo miss...kailangan na kailangan ko lang kasi itong trabaho eh" sabi ko na pagmamakaawa.
"Pero Maam~"
"Sige na please....Kailangan ko talaga please" sabi ko pa..Tumango sya bago pumasok sa opisina.
•
•
•******ZION'S POV******
"Sir.."
Nakasandal ako sa upuan habang inis na hinihilot ang noo ko...Sobrang sakit...At dumagdag pa tong istorbong sekretarya ko.
"WHAT!" Asik ko sa kaniya.
"Sir...may nalate po kasi na naghahanap ng trabaho eh...sabi ko po bawal na pero kailangan daw po nya" sabi niya.
"SABIHIN MO WALA NA OKAY!" singhal ko.
"Sir...K-kawawa naman po kasi si Via" sabi nya.
Parang bumilis ang tibok ng puso ko sa pangalang binanggit nya.
"Via?"
"Opo sir..."
"Sige...papasukin mo siya" ngiting sabi ko na ipinagtaka nya.
"Sigurado kaba sir" sabi nya pa.
"Nagbibiro ba ako?Papasukin mo na bilis" lalong lumawak ang ngiti ko sa labi..
Sh*t...
Tadhana nga naman.
Kanina sobrang sama ng mood ko...ansakit ng ulo ko...pero ngayon...parang may kung ano sa puso ko...hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Tumayo ako at tumalikod....Narinig ko ang pagbukas ng pintuan...Sh*t...Bat ako kinakabahan...Diba eto yung gusto ko...ang makita at makausap sya...
"Good morning po...Sorry po...pero kailangan ko lang po kasi itong trabaho para sa anak ko!Masipag naman po ako" sabi nya mula sa likuran ko.