THAT PERVERT OBSESSED WITH ME
ROMANCE
PART 19~
****ZION POV*****
Sh*t...
What the f*ck..
Ansakit ng ulo ko...Ugh!!...
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko..Takang taka ako kung nasaang kwarto ako.
Hanggang sa nakita ko si Via...nasa tabi ko...f*ck....totoo ba toh?O nag iilusyon lang ako.
Si Via..
Katulad ng dati...Napakaganda nya pa rin...walang kupas...Napangiti ako at saka dahan dahan na hinaplos ang muka niya.
Sh*t...Zion..Mali!..may pamilya na si Via..
Hindi ka nya na mahal...tama...
Hindi nya na ako mahal..
"Hello dude" sagot ni Rex ng tawagan ko siya...Pumasok ako dito sa banyo para hindi magising si Via.
"What the f*ck...bakit nandito si Via?" Kunwari ay inis kong tanong sa kanya.
Narinig ko naman ang pagak nyang pagtawa.
"Hindi mo ba naaalala?Dude...lasing na lasing ka kagabi...Hahaha sinuntok kana nga pero ayaw mo pa rin magpa awat.." sabi ni Rex.
"Sinuntok?F*ck...sinuntok mo ako" madiing usal ko saka tumingin sa salamin dito sa banyo...awtts kaya pala masakit tong panga ko.
"Gag*...Bat kita susuntukin...hahaha wala ka talagang maalala eh noh...Ganto yan...lasing ka...tapos yung babae sa club..bigla mong niyakap...halos masakal na nga yung babae sa higpit...tapos nakita ka ng boyfriend nya ayun patay hahaha" tawang tawa na usal nya sa kabilang linya.
"Then what...pano ako nakarating dito?At si Via?" Tanong ko pa...pero bakas sa paglalim ng hininga nya bago sumagot.
"Tinawagan ko siya para makauwi ka...Pre...ayusin mo sarili mo....Kahit mahal na mahal mo siya...kung may iba na syang mahal at pamilya...wala ka ng magagawa....Ayoko nga sana syang istorbohin kagabi kaso ayun" sabi nya.
Napatango tango ako bago pinatay ang tawag...Lakas loob pa akong lumabas saka tinignan si Via
Tulog pa rin.
Puyat..
Napadako ang tingin ko sa cellphone nyang parang kanina pa tunog ng tunog.
||Via Where are you...Hinahanap ka na ni Nero...|| -Joshua.
Napabuga ako ng hangin...Tama si Rex.....Kahit sabihin kong mahal pa kita...Wala namang magbabago...Kung saan ka masaya...edi dun nalang ako..
Pero ako.....Walang magbabago...Ikaw pa rin Via.
//BAHAY//
"Zion...Saan ka na naman galing ha! Puro ka inom...inom...Zion...Ano ba...May sakit ka...Magpagaling ka...!" Singhal na bungad ni mama pero diretso ako sa kwarto.
"Ma...please stop..!"
"Stop...Zion...Pumunta ka sa hospital...Maawa ka sa sarili mo...kapag lumala yang tumor mo...ano nalang ha!Mamamatay ka Zion...Kaya sige na...mag patingin kana...para maagapan na" usal pa ni mama.
Halos pabagsak akong humiga sa kama.
"Ma...Kaya ko pa sarili ko...at handa na akong mamatay kahit anong oras pa..." sabi ko.
"Zion...Hindi ako nakikipagbiruan" sabi ni Mama..Pagak akong natawa.
"Nagbibiro ba ako??...Ma im serious...Gusto ko ng mamatay...gusto ko ng mamatay...you understand?..Gustong gusto ko na...Ayokong magpagamot...ayoko!!...Gusto ko ng mawala...dahil pagod na ako...pagod na ang isip ko ang puso ko ang katawan ko...Magmula nung nawala sakin si Via...wala na...sira na ang buhay ko..!" Singhal ko.