21

530 16 0
                                    

THAT PERVERT OBSESSED WITH ME

ROMANCE

PART 21

             *****ZION'S POV*****

"Ihahatid kita ah...at sa susunod wag ka ng aalis ng bahay nyo...baka nag aalala na sayo yung mommy mo" usal ko sa kaniya.

"Salamat po Tito?"

"Just call me Tito Zion...and you?" Ngiting tanong ko pa habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Nero po.....You know tito...my mommy is always crying at night" sabi ng batang kasabay ko.

Napakatalino nya.

Parang hindi tuloy bata ang kasama ko kundi isang kaibigan lang..

Gabi na...sigurado akong nag aalala na si Via sa anak niya.

Iniisip ko palang ang mukha nya...parang hindi na maipinta.

"Bakit naman umiiyak ang mommy mo?" Taka kong tanong.

Kumunot ang noo ko...Si Via..umiiyak?Bakit naman....Nag aaway kaya sila ni Joshua?

"Kasi po baka namimiss nya rin si~" hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng biglang..

"NERO!"

Napatingin kami kay Via at Joshua..Bakas sa mukha ni Via ang kaba at takot saka niyakap ang anak niya.

Alam kong mabuti siyang ina.

"Tigas din ng mukha mo noh!..ano ha...kinidnap mo si Nero!" Singhal ni Joshua.

"No!" Tanging sagot ko.

"ANONG HINDI...EH KITANG KITA NA NGA DIBA...KAPAL DIN NG MUKHA MO EH.." asik nya saka ako aambahan ng suntok ng pigilan siya ni Via.

"Wala akong ginagawa" sabi ko sa mahinahong boses...Pagak syang natawa.

"WALA...HOY...ALAM KO TAKBO NG ISIP MO...PERO ETO LANG TATANDAAN MO..WALA KANG KARAPATAN KAY NERO!KUNG SINO ANG MAS MAY KARAPATAN...AKO YUN!" singhal niya sa akin.

"Ingatan nyo anak nyo.." huling salitang binitawan ko bago tumalikod sa kanila ng bigla nalang sumigaw si Joshua at pag lingon ko malakas na suntok ang ginawad nya.

"NO!!..DONT HURT HIM!!" sigaw ni Nero na anak nila saka pinipigil si Joshua.

Dahan dahan akong kumagat labi ng lumapit si Via at saka nya ako sinampal na ikinamanhid ko...

Wala akong naramdaman sa pisikal..pero emosyonal...masakit.

"ZION...TIGILAN MO NA KAMI PLEASE LANG...WAG MO NA IDAMAY ANG ANAK KO...KANINA PA KAMI HANAP NG HANAP...NASA SAYO LANG PALA!" singhal nya.

"Kung ayaw mong umaalis ang anak mo Via...Pagsabihan mo ang asawa mo na itrato sya ng mabuti...para hindi siya uhaw sa isang pagmamahal ng ama" sabi ko saka sumakay sa kotse...pero bago yun...nakita ko si Nero...Bahagya ko siyang nginitian.

           ****VIA'S POV*****

"Hayop talaga sya..." singhal na rinig ko ni Joshua...Lumapit ako sa anak ko saka ito niyakap.

"DONT TOUCH ME...!" sigaw ng anak ko na ikinagulat ko.

"Anak si mommy toh..." sabi ko pero hindi siya nagsalita at masama lang ang titig sa akin.

"WHY DO YOU HURT HIM MOM...HE'S KIND..." sabi ng anak ko na ikinailing iling ko.

"Uuwi na tayo...at wag ka ng aalis ng bahay sa susunod ha" bilin ko pa sa kanya.

"You know mommy...Hindi mo na sana ako nakita ngayon kung hindi dahil sa kanya...He help me...At sana sya nalang ang daddy ko" ngusong sabi nito na ikinanlaki ng mga mata ko.

THAT PERVERT OBSESSED WITH ME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon