THAT PERVERT OBSESSED WITH ME
ROMANCE
PART 12
(ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS)
*KRIIIING KRINGGGG*
SH*T...UGH ansakit ng katawan ko.
"Via...wake up!Tanghali na" usal ni Zion.
"Inaantok pa ako!" Sabi ko ng bigla kong naramdaman ang paghalik niya sa pisngi ko.
"Bumangon kana...may pasok ako sa opisina...sabay na tayo kumain" sabi niya.
Wala akong nagawa kundi ang bumangon kahit pagod na pagod pa ako......wala naman akong ginawa kahapon pero parang nanghihina ang katawan ko.
"May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Zion ng mapansin nyang hindi ko ginagalaw ang pagkain sa harapan ko.
"Wala.." sagot ko nalang.
"Sige na..Kumain kana...Baka gabihin ako sa pag uwi mamaya ha" sabi pa niya bago ako hinagkan sa noo at umalis na.
Napabuga ako ng hangin at tinangkang sumubo ng kanin ng bigla akong nakaramdam na may mali sa sarili ko......Nasusuka ako.....Halos tumakbo ako papunta sa banyo......Sh*t...ano bang nangyayari sa akin...
*ONE TEXT MESSAGE*
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng bigla itong tumunog...si Joshua....Inaaya nya akong lumabas...Dahil sa wala naman akong magawa dito sa bahay pumayag nalang ako.
Dahil na rin sa stress na nangyayari sa akin...Parang kailangan ko ngang lumabas...Hasyt...
"Okay ka lang?Tahimik mo ah...Nag away ba kayo?May nangyari ba?" Sunod sunod na tanong ni Joshua sa akin.
"Wala naman.."
"Bat ganyan muka mo...Sya nga pala...Bumisita ako sa ospital...Hindi daw itutuloy ang operasyon hanggat hindi ka nagpauna ng kalahating milyon..Si Hiro naman...Napariwala na talaga...Napabarkada" usal ni Joshua sa akin.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Joshua.....Nahihirapan na ako..." sabi ko..
"Bakit hindi mo kausapin yang Zion?" Tanong niya.
Malalim akong huminga at napayuko sa sinabi nya...Maaasahan ko naman sya...kaso...
"Nakakahiya...lalo na at alam ng mga magulang nya na peneperahan ko lang sya...Ayokong isipin ni Zion na pera lang talaga ang habol ko sa kaniya" sabi ko..
"May maitutulong ba ako"
"Wala.."
"Sus.....Akala mo ba nakalimutan ko na yung promise natin?..Tsk....pinagpalit mo na ako ah" tila nagtatampong sabi nya.
Nandito kami sa restaurant..
"Tagal mong nawala ah" pag iiba ko ng usapan ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
"Oo matagal nga akong nawala...pero hanggang ngayon....kumakapit pa rin ako sa promise mo Via.." seryosong sabi niya..
Magsasalita pa sana ako ng mahagip ng mga mata ko si Zion.....Dumako ang tingin niya sa akin...at kay Joshua....May kasama syang ilang lalaki...kliyente nya..
Bakas sa mukha nya ang inis..
"Ahh...J-joshua...Uuwi na ako" sabi ko..
Mabilis akong naglakad palabas ng restaurant.
"Oh bakit...biglaan naman...nag uusap pa lang tayo Via?" Sabi ni Joshua..
Nang bigla ko na naman naramdaman ang pagkahilo...Napahawak ako sa pader ng lumapit si Joshua.
"Via...Okay ka lang..." tanong pa ni Joshua.
"N-nahihilo ako" utal na sabi ko...Bago nawalan ng malay.
~
Unti unti kong minulat ang mga mata ko..
Puro puti...Nasa ospital ako..
"Congrats...Mr..And Ms..Isang buwan na po kayong buntis..." sabi ng doctor na ikinanlaki ng mga mata ko.
"B-buntis po sya?" Tanong pa ni Joshua.
"Opo sir...Magiging ama kana!" Sabi ng doctor..
"Hindi nya po ako boyfriend" usal ni Joshua.
Nang umalis ang doctor.....Lumapit sa akin si Joshua...Na parang nanlulumo ang muka nito.
"Via...Buntis ka!" Sabi pa niya.
"Oo joshua narinig ko" tuwang tuwa na sabi ko..
"Anak nyo ni Zion?" Tanong pa niya.
"Malamang...siraulo kaba?" Pang aasar ko.
Sobrang saya ang nararamdaman ko...Magkaka baby na kami...
Nagpahatid ako kay Joshua.....
At pagdating ko sa bahay nakaupo na si Zion sa may sofa....Galit na galit ang mukha nitong naka titig sa akin.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko..
Hindi na ako makapaghintay na ibalita sa kanya....
Na buntis na ako at sya ang ama.
"Zion....Zion may sasabihin ako!" Ngiting sabi ko.
Pero biglang napawi ang ngiti na 'yon ng bigla syang tumayo at may nilagay na pera sa may isang lamesa..
"WE'RE DONE VIA!"
TO BE CONTINUE