THAT PERVERT OBSESSED WITH ME
ROMANCE
PART 26- LAST PART
****VIA'S POV****
"Ssshhh....Via...F*ck...can you please stop crying?" Usal ni Zion.
Hawak hawak ko ang kamay niya..Nanginginig pa ang buo kong katawan.Hindi ako mapalagay kung tama ba...Pero siguro...o kung papalarin..kung lalaban sya.
"Zion...Antagal na walang ama si Nero!.Antagal nyang pinangarap na sana makasama ka nya...At ngayon! Sana...s-sana...lumaban ka ha!.Kailangan ka ng anak natin..Gusto ka pa nyang makasama..Gusto pa niyang masulit yung mga araw na wala ka sa tabi nya" naiiyak na sabi ko.
Ngumiti siya ng bahagya.
"Lalaban ako Via....para sayo...para kay Nero...Gusto pa kitang pakasalan Via..Naalala mo paba?Gusto ko ng maraming anak...at ikaw ang gusto kong ina ng lahat..." sabi nya saka hinaplos ang pisngi ko.Tango tango akong sumagot.
"Kaya mo yan ha!!..Zion!.Wag kang bibitaw...Tandaan mo...Nandito kami..N-nandito lang kami mag hihintay sayo" sabi ko bago siya binitawan.
"Iloveyou Via"
"DOC!doc gawin nyo po ang lahat doc...parang awa nyo na...gawin nyo lahat" pagmamakaawa ng Mama ni Zion sa doctor.
Maliit lang ang posibilidad na mabubuhay sya pagkatapos ng operasyon.Dahil sa kumalat na ang infection ng tumor sa utak niya...Sobrang sakit ng dibdib kong niyakap ang anak kong si Nero...Siya nalang ang pinagkukunan ko ng lakas ngayon.
Lumipas ang oras, matiyaga kaming naghihintay dito sa tapat ng operating room ng biglang balisa ang ilang nurse na lumabas..Kabado akong tumayo sa kinauupuan ko at sumilip mula doon..
Halos umiyak ako.
Si Zion..
Tama...lumalaban siya...pero ginagawa ng doctor ang lahat para wag siyang mawalan ng hininga..Mas domoble ang sikip sa dibdib ko nang makita ang muka ng pinakamamahal kong lalaki.
Nahihirapan.
"Zion!..Zion..please...please...lumaban ka...lumaban ka Zion...Wag kang bibitaw!!" Sabi ko saka hinampas ang kamay sa pader.
Nagkakagulo sa loob.
Kung ano anong ginagawa nila kay Zion para lang mabuhay...Oo nawawalan na siya ng hangin...Humihina na ang tibok ng puso niya.
"ZION!!" halos pasigaw kong tawag sa pangalan niya..Tuluyang humagulgol ako ng iyak at napahikbi.
"Mommy!!Mommy si Daddy!" Iyak ni Nero na todo rin ang iyak..
"Zion..please...please...Lord!!iligtas nyo po siya...parang awa nyo na...gusto pa namin siyang makasama...please...iligtas nyo sya!!" Pagmamakaawa ko sa taas.
"Nurse...nurse anong nangyayari!" Tanong ng Mama ni zion ng lumabas ang isang nurse.
"Maam...Kritikal po ang lagay ng pasyente...Humihina na po ng humihina ang tibok ng puso nya.." sabi ng nurse.
Biglang lumuhod si Tita.
"P-parang awa nyo na...gawin nyo lahat...wag nyong hahayaan na mamatay ang anak ko!!" Iyak niya.
"Ginagawa po namin lahat Maam." Sabi ng nurse saka ito umalis..Muli akong sumilip sa salamin..Hindi ko kaya! Hindi ko kayang tignan kung anong hirap ang dinaranas nya.
Zion!..
Nilagyan sya ng kuryente sa may dibdib ng bigla nitong pinikit ang mga mata nya...Nanginginig lalo ang buo kong katawan sa takot..