THAT PERVERT OBSESSED WITH ME
ROMANCE
PART 18
****ZION'S POV****
Nagkamali ako...Maling mali ako...Tama sya...ako ang nangako pero ako din ang unang sumuko....ano pang silbi ng pangungulit ko sa kaniyang bumalik siya sa akin kung may iba na siyang mahal.
"Zion." Tawag ni Mama sa akin.
"What" walang emosyong sagot ko.
"Hindi kana nagpapacheck up...Hindi mo rin iniinom ang mga gamot na binibigay sayo ng doctor...Anong gusto mong mangyari sa buhay mo ha!" Singhal ni Mama.
Napangiti ako bago kinuha ang beer sa lamesa.
"Mamatay.." walang ganang sagot ko.
"Wag kang magsalita ng ganyan..Gagaling kapa...at diba sabi ko naman sayo...magpapagamot kapa!" Singhal ni Mama sa akin.
Pagak akong natawa sa sinabi nya.
"Magpagamot...ano pang silbi ng buhay ko...kung paulit ulit na sinasaksak ang dibdib ko sa sakit" naiiyak na naman na sabi ko.
"Zion..tsnga kaba....Hindi lang sya ang babae sa mundo..." asik ni mama.
"Maraming babae pero siya lang ang gusto ko...siya lang ang mahal ko...kaya anong silbi ng maraming babae kung sya lang ang hinahanap hanap ko" singhal ko.
"Makinig ka sa Mama mo Zion.." biglang dating ni Papa.
Inis kong binaba ang beer at saka pumasok sa may kwarto ko..Sobrang laki ng naipon kong galit mula sa kanya.
Ano pa nga bang silbi ng buhay ko diba.
Wala na si Via.
Siya lang naman ang babaeng kinukuhanan ko ng lakas ng loob para lumaban sa araw araw.
Gusto ko lang naman na bumalik siya.
Gusto kong mahalin nya ako tulad ng dati....at higit sa lahat....gusto kong maging kami.....kahit sa huling pagkaka taon na alam ko.
Dahil maaga pa naman umalis ako ng bahay at inaya ko ang kaibigan kong pumunta sa bar.
"May anak na si Via Pre...kaya mas mabuti lang na iwasan mo sya!" Sabi ng kaibigan ko.
"K-kakayanin ko" madiing boses na sagot ko sa kaniya..Hindi ko alam kung kakayanin ko...pero sana~...sana nga...
Sana handa na akong tignan sya na parang wala lang gaya ng ginagawa nya.
Sana makalimutan ko siya gaya ng pagkalimot nya...Sana...pero para sa akin...isang napakalaking sana nalang 'yon..
"Damn...pre...ilove her.....!" Diing sabi ko.
Nakakailang bote na ako ng alak..
Pero hindi pa rin ako manhid...at ramdam na ramdam ko ang pananakit ng ulo ko...pero mas masakit pa rin sa dibdib ang totoong ipagtabuyan ka ng taong mahal mo....at aminin nitong may iba na syang gusto.
"Oh...Pre....iinom lang tayo walang iyakan!!" Sabay tapik ng kaibigan ko sa aking balikat.
Pìnilit ko.
Pinilit kong pigilan ang luha ko.
Bakit ba ang rupok rupok ko sayo Via.
Bakit ikaw...bakit nakukuha mo akong tiisin...
"Pre...ano ba...nakakabakla kana..tigil mo na yan..." sabay tapik nya ulit..
Nabitawan ko ang bote...na nagsanhi ng ingay...Hindi ko na nga napigilan at mas lalong lumakas ang impit kaninang iyak ko, gumalaw ang balikat ko habang umiiyak sa dilim.