23

467 14 0
                                    

THAT PERVERT OBSESSED WITH ME

ROMANCE

PART 23

    
           *****ZION'S POV*****

Namanhid ako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang kay Via.Bakas rin sa muka nya ang gulat ng makita ako.

"Tito" si Nero na biglang lumapit sa akin...Bahagya akong ngumiti at saka tinignan si Joshua.

"Anong ibig mong sabihin Via?" Tanong ko...Kumunot pa ang noo niya bago suminghal si Joshua.

"Gag*...Hindi mo alam...ginalaw mo...binuntis mo pero hindi mo alam!" Singhal ni Joshua na ikinaigting ng panga ko.

Bakit ba sya nangingialam..si Via ang gusto kong makausap...Gulong gulo ang isip ko.

Buntis sya.

Nabuntis ko siya...pero paano...kailan...bakit ngayon ko lang nalaman...Ang buong akala ko si Joshua ang ama ni Nero.

"Zion wag ka ngang magtanga tangahan" usal ni Via na mas lalong ikinasalubong ng kilay ko.

"Via...wala akong alam...hindi ko alam na nabuntis kita" seryosong sabi ko.

"Hindi mo alam...Zion.....isang gabi pumunta ako sa bahay nyo...gusto kong sabihin na buntis ako...pero ano?Ano sabi ng mga magulang mo...hindi ka daw handa...at hindi mo ako kayang panagutan" singhal ni Via na ikinanlaki ng mga mata ko.

"V-via...wala akong alam...wala silang sinasabi sa akin..." nanginginig na ang kamay ko...

Wala akong naiisip o naalalang kinausap ako ni Mama tungkol dito..

Maliban nalang nung naaksidente ako....Alam kaya ni Via 'yon...Kaya ba sya umalis ng ibang bansa kasama si Joshua kasi ang alam nya?...Hindi ko siya kayang panagutan..sh*t...

"Hindi ko na problema 'yon...Oo Zion...Hindi si Joshua ang tatay ni Nero!..Ikaw...ikaw ang ama nya!.." sabi ni Via.

Halo halong emosyon ang bumalot sa buong pagkatao ko....Masaya na may galit..

"Mommy...Si Tito Zion ang daddy ko?" Tanong ni Nero...tumango si Via saka ko ito mahigpit na niyakap...Maluha luha ko itong hinaplos haplos.

F*ck...i didn't expect this..

"Pero wala ka ng karapatan sa anak ko Zion....Ako ang nag alaga sa kanya...Kaya akin siya" usal ni Via saka hinila si Nero.

"V-via...please...Please..." pagmamakaawa ko pero pilit nyang nilayo si Nero sa akin..

Mugto ang mata kong umuwi ng bahay..Masayang nagsasalo ng hapunan ang mga magulang at kapatid ko na animoy walang ginawa sakin!..F*ck!.

Ano bang klaseng pamilya toh.

"Oh Zion anjan kana pala"

"Kumain kana muna"

"Hay naku ma...busog yan"

"Palibhasa nandun si Via"

"Tsk dapat paalisin na yun"

"Oo nga eh...baka nilalandi ka na naman nun Zion...may asawa na nga sya kumekerengkeng pa" usal ni ate na hindi ko na kayang pinagtimpi.

"PWEDE BA!TUMIGIL NA KAYO! TIGILAN NYO NA SI VIA...ALAM NYO ANG KAKAPAL NG MUKA NYO NOH! ILANG TAON HA! ILANG TAON NYONG TINAGO SAKIN!" halos umiyak na ako sa harapan nila sa tindi ng galit na nararamdaman ko.

"Zion!"

"Ano bang nangyayari sayo!"

"Pinagsasabi mo!"

THAT PERVERT OBSESSED WITH ME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon