THAT PERVERT OBSESSED WITH ME
ROMANCE PART 25
****VIA'S POV****
"Mommy!" Tawag ni Nero sa akin.
Sabado kasi ngayon at abala ako sa paglalaba ng mga damit niya.
"Oh bakit" tanong ko.
"Mommy pinabibigay ni daddy oh" sabi nya saka nilapag ang juice sa tabi ko.
Ngumiti ako ng makita si Zion mula sa likuran nya.
Aaminin ko masaya ako.
Sobrang saya ko..Parang wala na akong mahihiling pa, kasi heto na...ito yung antagal kong pinangarap dati.
"Wag ka masyadong magpagod Via..Anjan naman si Manang" usal ni Zion.
"Tsk..Kaya ko na toh" sabi ko pa sa kaniya..Lumapit ito sa akin saka niya nilhis ang ilang hibla ng buhok ko.
"You're so beautiful Via" mahinang sabi nya.
Kinikilig ako.
"Che..umalis ka nga!Dun ka" sabi ko ng pagak syang natawa saka kinuha si Nero.
Nang matapos ko ngang maglaba..Papasok na ako sa kwarto ng biglang may humigit sa may braso ko.
"Ang kapal din ng muka mo noh!" Singhal nya sa mahinang boses.
"Inaano ba kita!..Bitawan mo nga ako..Nasasaktan ako" asik ko pero imbes na sundin nya ako at mas diniinan nya pa.
"Talagang masasaktan ka!.Malandi ka!.Ano toh paiikutin mo na naman ang ulo ng kapatid ko" singhal nya sa akin.
"Bibitawan mo ba ako o hindi"
"At gagamitin mo pa ang anak mo..Hoy Via!Kung si Zion napapaniwala mong anak nya yun..pwes ako hindi!.Baka nga sa sobrang dami mong nakasex baka~" putol na linyang sabi nya ng malakas ko siyang sampalin.
"Bastos ako kung bastos ang kausap ko!.Hindi ako tanga para gamitin ang anak ko." Asik ko sa kaniya saka mabilis na hinatak ang kamay ko.
Kailan ba nila matatanggap yun...Ilang oras ang nakalipas...Natutulog si Zion sa kwarto.
Hindi ko alam pero masama daw ang pakiramdam nya kaya hinayaan ko muna sya.
Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang iyak ni Nero sa labas..Halos takbuhin ko na ang hagdan.
"Walang hiya ka!Ang kulit kulit mo!" Singhal ni Ate ni Zion sa anak ko habang pinapalo at dinuduro duro ang anak ko.
"Ahh...T-tita tama na...ouch!" Iyak ni Nero kaya agad ko itong hinila at hinarap ang babaeng ito.
"Bakit mo sinasaktan ang anak ko ha!Alam mo..Kung may problema ka sakin!Ako ang kalabanin mo..Wag mong idamay ang anak ko" singhal na sigaw ko sa kaniya.
"TALAGA BA HA VIA!..ISA KAYONG SAMPID SA BAHAY NA TOH AT YAN!YANG BATANG YAN!ALAM MO BA KUNG ANONG GINAWA NYA HA" sigaw niya saka dinuro duro ang anak ko.
"WAG MONG GANYANIN ANG ANAK KO ANO BA!" inis kong sabi saka sya tinulak.
"WALANG KWENTA..BWESIT! TIGNAN MO NGA OH!TINAPUNAN BA NAMAN AKO NG JUICE" singhal nya.
Pagak naman akong natawa sa kanya.
"UMAY KA!..BAKIT KASI BATA INUUTUSAN MO! KUNG HINDI KA RIN LANG NAMAN TANGA EH" Singhal ko ng bigla nya akong sampalin.
Yumakap si Nero ng mahigpit sa akin saka ko siya ginantihan ng sampal.
"WALANG HIYA KA!MALDITA KA MALANDI!" sigaw nya saka ako sinubunutan..Bahagya akong lumayo kay Nero at saka sinampal itong babae na ito ng biglang dumating ang mama niya.