Emieleen
“Doc! Please po gawan niyo po ng paraan para mabuhay ulit si Mama! Please!” pagmamakaawa ko. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakakakita sa akin sa paligid. Wala muna akong pakialam sa kanila.
“Iha, alam mo naman na hindi iyon ganun kadaling mangyari.” Paliwanag sa akin ni doc. “May pag-asa pang gumaling ang Mama mo. But it will involve a lot of money.”
Medyo nabuhayan na ako ng loob sa sinabi niya na maari pa raw na gumaling si Mama. “Magkano po ba? Kahit magkano po ibibigay ko! Please doc, mahal na mahal ko po ang mama ko, please.”
Huminga ng malalim si Doc bago sumagot sa akin. “An surgery can make her live longer. Sa pamamagitan ng surgery na ito, papalitan natin ang mga nasirang aorta sa kanyang katawan, which causes the bleeding on her blood and heart vessels. At ang magagastos operasyon na ito ay maglalaro sa pagitan ng PhP 100, 000 hanggang PhP 500,000.”
“O-one hundred thousand p-pesos? Yun na ang pinakamaliit?” malungkot kong tanong. Napatingin na lang ako sa sahig. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako makakakuha ng ganun kalaking pera.
“But doc, hindi ko kaya yun.” mahina kong sabi.
“Everything's up to you.” pinatong ni Doc ang kanyang kamay sa aking balikat at naglakad na papalayo. Habang ako, iniwan niyang tulala at gulung-gulo.
Saan naman ako makakakuha ng isang daang libo sa loob ng mahigit isang buwan? Gusto ko lang naman na makasama pa sa mas mahabang panahon ang Mama ko, pero ganun ba talaga kahirap at ka-imposible ng hinihiling ko?
Ako si Emieleen Kate. Lumaki ako sa isang simpleng pamilya kaya siguro doon ko na rin nakuha ang pagiging simpleng ko, at ang pagkakaroon ng simpleng pangarap sa buhay—ang maipagamot ang aking ina na nakakaranas ng sakit na tinatawag na Marfan Syndrome.
Napaka-rare lang ng sakit na ito, at unfortnately, isa si Mama sa mga nagkaroon nito. Ang Marfan Syndrome ay isang sakit na nakaka-apekto sa mga connective tissues ng katawan ng isang tao. At ang matindi, na-damage na rin nito ang aorta ni Mama, kaya naman mas dumami ang mga komplikasyon sa kanyang nervous system. Hindi ko alam kung paano at saan nakuha ni Mama ang sakit na ito, pero ayon sa mga doctor ay namama raw ang Marfan Syndrome.
Lumaki ako habang nakikitang nahihirapan si Mama at hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Kasi may limitations. Nasanay rin akong lumaki na puro gamot ang nakikita ko at palaging hospital ang pinupuntahan ko every week. Sanay na ako maka-kita ng mga nurse at doctor.
Buong buhay ko wala akong ibang hiniling kundi ang makita si Mama na malakas at nagagawa lahat ng gusto niya. Gusto ko, bago siya mawala, madala ko siya sa mga lugar na gusto niyang puntahan.
Happiness—yan lang naman ang gusto kong ibigay kay Mama. Kaya naman halos lahat ng kaya kong ibigay at kaya kong gawin ay ginagawa ko na, para lang sa kanya. Para sa pinaka-importanteng tao ng buhay ko, na siyang nagbigay buhay sa akin.
BINABASA MO ANG
Virginity List
JugendliteraturVirginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity.