Chapter 29

27.1K 322 45
                                    

CHAPTER 29

 

 

[Emieleen’s POV]

 

 

“Nakakainis talaga si Aki. ‘Kala niya lagi siya na yung pinakamagaling!” >__< reklamo ni Marvelous.

“Haha, bakit nanaman ba?” tanong ko.

“Sabi niya mas nauna daw yung itlog ‘kesa sa manok! Eh manok kaya yung nauna, yung Bible na nagsabi.” >__<

“Oh? Manok pala yung nauna?” sabi ko. “Ngayon ko lang nalaman yun ah.”

Napatayo ako at naglakad papunta sa may balcony.

Ang ganda talaga ng langit, lalo na kapag maraming stars. Which reminds me, nawawala pala yung isang kapares ng hikaw ko. Sayang, ang ganda pa naman nun. T__T Tsaka bigay rin kasi yun sakin ni Mama, kailangan kong ingatan.

 

 

Saan ko kaya yun nawala?

Nag-umpisa akong maglibot sa hotel at magtanong sa mga staffs kung may napulot ba silang hikaw na star yung design at gawa sa gold.

“Wala eh.” Sagot nila.

Aw, huhu. Saan pa ba? Ah! Sa garden! Galing kasi ako dun kanina. Baka dun nahulog. Pumunta ako dun at naghanap. Sa bawat sulok na pwede kong puntahan, pinuntahan ko na.

Kung pwede nga lang sana na itaktak ang buong resort na ‘to para lang mahanap ko yun, gagawin ko na.

Napaka careless ko talaga! >__<

Wala na akong ibang magawa. Hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin yun. Hanggang sa hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa may beach.

Ewan ko ba, napamahal na kasi ako dito sa beach na to eh.  Tuwang-tuwa ako kapag naglalakad ako sa seaside. Nakaka-relax kasi.

Pero nagulat ako nang biglang may umilaw na mga Christmas lights sa paligid. Sobrang dami, as in. Yun tuloy yung nagging dahilan ng pagliwanag ng madilim na gabi.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon