Chapter 08

42.8K 408 27
                                    

Emieleen

            Three weeks later... 

Bukas na pala yung final exam namin. Pero siyempre dahil kailangan kong maging school valedictorian, wala akong ibang ginawa nung mga nakaraang araw kundi ang mag-aral.

Maaga na akong umuuwi. Naging tambayan ko na rin ang library tuwing walang klase. Bago rin ako matulog, nag-aadvance reading na ko, just in case na magkaroon ng surprise quizzes and to familiarize with the topics.

Haaaay. Wala eh. Para kay Mama naman ‘to. Kailangan bago siya mawala makita niya muna akong maging Valedicotiran. Gusto ko, makikita niya ako na umakyat dyan sa stage, hindi bilang pangalawang best, kundi biglang the first best.

Ngayon, nasa library ako nakatambay. Nire-review ko yung mga past lesson namin para bukas. Kahit na nakakatamad, kailangan ko talagang aralin lahat ng ‘to. Umuulan ngayon kaya mas nakaka-antok tuloy. Ang sarap humiga at matulog lang buong araw. Kaso hindi pwede.

 Umuulan....hehe may naalala tuloy ako bigla. Y-yung first kiss ko...last last last week.

Kasi eh, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano pero kasi nakakakilig talaga ‘yon, eh! Yung nag-kiss kami sa gitna ng kalsada tapos umuulan pa talaga. ‘Yong nakalimutan ko lahat ng problema ko ‘nong nag-kiss kami. Waaa! Kean bakit mo ba kailangan gawin sa akin ang lahat ng ‘to?

“Ay? Baliw? Ngumingiti mag-isa?”

Natauhan naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Claudette, siya lang naman ang 3rd Honor dito sa school namin. Simula nung lumipat ako dito sa school na ‘to, wala na siyang ibang ginawa kundi ang mangialam sa buhay ko.

Di ko lang siya pinatulan. Wala lang rin namang mangyayari eh. Tsaka mas lalaki ang gulo. Binalik ko nalang ulit ang isip ko sa binabasa kong libro.

“I knew it. Dito nga kita makikita.”

“K-Kean...” OMG. Ano ‘to? Bakit ngayon pa magpapakita ‘tong mokong na ‘to?Kung kailan nasa isip ko pa rin ang kiss namin, waaaa. Na-awkward tuloy ako.

“Kita kong nag-eeffort ka na talaga. Tch.” nag-smirk siya. Ang pogi talaga ng nilalang na ‘to. Bakit ngayon ko lang ‘to napansin? Bakit dati, parang normal at karaniwan lang naman ang itsura niya? Bakit ngayon, parang nagiging gwapo na talaga siya?

Umupo siya sa harap ko, napatignin tuloy ako bigla sa lips niya. Waaaa. Ang kissable! ‘Yon bang mapula tapos parang malambot na ewan! Argh. Ito ba yung lips na nakakuha ng first kiss ko?

“So, ano nang inaaral mo ngayon?” tanong niya.

“Kiss....”

“Really?”

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon