Chapter 22.2

32.4K 349 38
                                    

Ch. 22.2 || What is Love?

[Kier's POV]

"Yung mga sinabi ni Claudette kanina, totoo ba yun?" tanong ko.

Matagal siya tumahimik at nag-isip.

Pinag-iisipan niya kung ano yung sasabihin niya. Pinag-iisipan niya yung isasagot niya. Habang  ako, nandito lang, tahimik na naghihintay sa sasabihin niya.

"Oo, totoo lahat yun..." mahina niyang sabi.

Naghintay pa muna ako kung may sasabihin pa ba siyang mga kasunod. Pero nung hindi na siya nagsalita, nagtanong ako.

"Pero bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Sa akin? You can always count on me."

"Alam ko, Kier." sagot niya. "Pero nag-aalala ako kasi...kasi baka mag-iba ang tingin niyo sakin. Baka layuan niyo ako. Baka i-judge niyo ako dahil sa mga nangyari..."

Umiyak na siya kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya. I don't know, sa ngayon kasi yun lang ang alam kong way para ma-comfort siya eh.

"That's never gonna happen, Emi. We will never judge you. Kahit ano ka pa Emi, tatanggapin ka pa rin namin."

"Natatakot akong baka mag-iba yung tingin niyo sakin nila Aki, Mason, at Marvelous. Ayokong mangyari yun Kier."

"Don't worry Emi, I will love you just the way you are."

"H-ha?"

"I-I mean, WE will love you just the way you are."

Ngumiti siya ng pilit.

I'm trying my best to make her feel better. I hope it's working.

"Ano ba yung buong nangyari Emi?" tanong ko.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon