BITIN PO ITONG CHAPTER NA TO.
AS IN, BITIN.
IHANDA NIYO NA MGA SARILI NIYO. XD
_________________________________________
CHAPTER 27
[Kean’s POV] <--- Yes! Ang POV na pinakahihintay ng lahat! XD
“S-Sorry, hindi ko talaga sinasadya.” Nahihiyang sabi ni Kier. “Ah, ano, pinapatawag na pala nila kayo sa baba. Kakain na d-daw.”
"S-sige. Susunod na ako." sagot ni Emi.
Pagkatapos nun, lumabas na si Kier sa loob ng kwarto na sobrang namumula.
Sayang, ang lapit na sana nun.
Kung hindi lang sana dumating si Kier eh.
Yung mga sumunod na nangyari ay awkward na. Syempre sino ba naman ang hindi maa-awkwardan kung sa kalagitnaan ng sweet moment niyo ay may biglang haharang? -__-
Nauna nang bumaba si Emi kaysa sakin. Siguro ayaw niya rin ng ganitong atmosphere. Pero saying talaga eh! Konti nalang! >__<
Lalabas na rin sana ako sa room kaso naisipan ko munang ayusin ang sarili ko. Syempre, mahirap na. Kailangan lagi kang gwapo sa paningin ng mga babae. ;)
Saktong pagka-lock ko ng pinto, merong nagsalita na lalaki mula sa likod ko.
“I know what you’re doing.” Agad akong napatingin sa kanya. Pamilyar yung boses nay un.
“Oh, Kier! Long time no see ah!” sabi ko.
Sa totoo lang, simula nung dumating ako dito sa Pilipinas ay hindi na nakapag-usap ni Kier. Hindi ko alam, pero parang ang awkward lagi ng paligid pag magkasama kami.
Although hindi naman kami ganito dati.
BINABASA MO ANG
Virginity List
Teen FictionVirginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity.