Chapter 06

45.5K 464 16
                                    

Emieleen

Bumalik ulit kami ni Kean sa bahay nila para makapag-palit ng damit. Grabe, pabalik-balik na ako dito ah, parang nakakahiya na.  

 

Binigyan ako ng isa sa mga maids nila ng damit para pampalit ko doon sa nabasa kong suot kanina. Okay, ngayon nagsisisi na ako kung bakit ako nag-drama kanina sa ulan. Una, nabasa ako. Second, magkakasakit ako. Third, nag-kiss—OMG.

Oo nga pala! Nag-kiss kami! Hindi ako maka-getover! Bakit parang hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ‘yong mga labi niya? Asdfghjkl. Ganito ba talaga ang epekto ng first kiss? Bakit medyo kinikilig ako? Ajujuju. Pero pabayaan niyo na, atleast medyo nakalimutan ko naman yung problema ko dahil sa ginawa niya. 

Naligo muna ako tapos saka ko sinuot yung damit na pinahiram nila. Grabe, lagi nalang akong humihiram ng damit sa kanila. Oo na, malaki na utang na loob ko sa kanya. 

Nung makapagbihis na ako, tumingin ulit ako sa bintana. May araw na. Ngayon, sure na akong hindi na uulan ulit. Cool. Kanina lang ang lakas ng ulan tapos ngayon may araw na bigla? Wow lang ha?

Humiga muna ako ng malalim  at nag-isip. Kumusta na kaya si Mama? Kasi imbis na nasa ospital ako at inaalagaan siya, nandito ako nakikipaglandian sa bahay nila Kean.

Pero para sa kanya rin naman ‘to eh, diba?

 Maya-maya pa’t biglang may kumatok sa pintuan.

“Sino yan?” tanong ko.

“Yung may-ari ng bahay.” boses ni Kean. “Tapos ka na magbihis?”

“Oo. Pwede ka na pumasok.” Binuksan niya ‘yong pinto at sumilip.

“Kumain ka na muna. Alam kong hindi mo kakayaning magpagutom. Masasarap pa naman pagkain dito.”

So kailangan mo talagang ipaglantaran sakin na masasarap pagkain niyo dito? “Sige, sige. Susunod na ko.”

Iba pa rin talaga ang aura ko ngayon pag nandyan siya. Kasi, parang ang awkward talaga ng nangyari sa amin kanina. Pero siya malamang naka-getover na kasi sanay na siya makahalik ng babae. Pero ako?! First  kiss ko palang yun! Huhuhu, hindi na talaga ako makaka-getover neto.

Pagkababa ko, tumambad sa akin ang isang dining table na punong-puno ng pagkain. Grabe! Para akong nasa langit! 

“Sa akin lahat ‘to?” tanong ko.

“Yeah, sure. Eat all you can.” nakangiting sagot ni Kean.

Nagsimula na akong kumuha ng pagkain. Eh ano pa bang magagawa ko? Eat all you can daw eh. Wala nang hiya-hiya pag gutom. Syempre sa umpisa pakonti-konti lang ang pagkuha ko. Pa-humble effect muna. Hehe.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon