Chapter 13

39.5K 361 10
                                    

Si Mama....nakangiti. And that was the sweetest smile I've ever seen in my entire life. Tumakbo kaagad ako papunta kay Mama para yakapin siya.

“Mama...”

Buong buhay ko wala akong ibang pinangarap kundi yung makita ko si Mama na masaya at hindi nahihirapan. Na sabitan niya ako ng medal sa stage sa graduation ko.

At lahat yun, nangyari na.

“Emi,” sabi niya. “Alam mo ba, sa tingin ko, ako na ang pinaka masaya, pinaka ma-swerte, at pinaka proud na nanay sa buong mundo.”

Hindi ako umimik at nakayakap lang ako sa kanya.

“Emi anak, kahit bilang na lang ang araw ko dito sa mundo, kinumpleto mo naman yun. Hindi ka nawala sa tabi ko, inalagaan mo ako hangga't sa kaya mo at wala nang mas hihigit dun. Yung nagtapos ka bilang Valedictorian, sobrang tuwa ko na sa sarili ko, Emi. Proud na proud ako sayo, tandaan mo yan.”

“Kahit madami akong pagkukulang sayo simula bata ka pa, lumaki ka pa rin ng maayos at may takot sa Diyos. Masayang masaya ako kasi isa lang naman ang pinagdasal ko sa Panginoon dati eh, ang magkaroon na isang mabuti at magalang na anak. Pero sobra-sobra pa yung binigay niya sakin dahil nandito ka Emi.” Dagdag niya pa.

“Mama naman eh...” hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa mga sinasabi ni Mama sakin. Kasi naman.

“Tandaan mo lang lagi na mahal na mahal kita. Kahit maging ano o sino ka man, tatanggapin kita ng buong puso ko.”

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay nila Kean. May importante kasi akong gagawin doon. Kung ano yung importanteng yun? Malalaman niyo mamaya. Kumatok ako sa kanila, at pagkatapos ng ilang sandali ay bumukas na ang pinto.

“Ano nanamang problema mo?” tanong ni Kean.

“Hello din sayo.” Bati ko pabalik. Ganda kasi ng bati sa akin ni Kean e. Hindi ko na siya hinintay sumagot at dumiretso nalang ako papasok sa loob. 

“Hoy Emi! Ano nanaman kailangan mo? Hindi ka naman lalapit sakin kung wala kang kailangan eh.”

“Bakit?” nilingon niya ako. “Masama bang bisitahin ka?”

“Masyado mo naman akong na-miss.” sabi ni Kean. “Tsaka hindi mo ba nakitang natutulog pa yung tao?”

“Tanghali na kaya.” Pagkontra ko. Napatingin si Kean sa mga dala ko, napansin niya pala.

“Ano yang mga dala mo?” agad-agaran na tumakbo papalapit sa akin si Kean. 

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon