Chapter 02

51.3K 548 54
                                    

Emieleen

“Let's have a One-Night-Stand.”

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Sandali, tama ba pagkakarinig ko?!

“Excuse you?!” napataas yung boses ko at sinampal ko siya. “Napapatawa ka ba?!” Mas lalo pa akong nainis dahil napaka-confident ba ng pagkakasabi niya. Para bang, normal na bagay lang ‘yon. Napaka-straight-to-the-point!

“Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?” walang emosyon niyang tanong.

“Pero, masyado yang below the belt!”

“Sabi mo gagawin mo lahat.”

 “Pero hindi kasama yun!”

“Okay then. Kung ayaw mo, edi wag. Madali lang naman ako kausap.” at umalis na siya habang ako, eto, nganga.

Bakit...bakit ganun? Masyado naman yatang buraot yung nilalang na yun?!

 **

Sinubukan ko na ding magtanong sa iba kung pwede nila akong tulungan pero, wala. Ayaw nila. Sabi ko lahat gagawin ko pero talagang wala silang magawa kasi kahit sila, hindi ma-afford yung ganun kalaking halaga. Kahit nga mag-apply man lang ako na kasambahay sa kanila, ayaw rin nila pumayag.

Sadyang si Kean lang talaga ang pinaka makakatulong sa’kin dito. Pero...hindi pa rin ako makapaniwala! Nabastos ako! Grabe, first time ‘yong nangyare sa’kin ha! Kahit sinong mga lasinggero d’yan sa kalye ‘yong nakakasalubong ko, ‘ni minsan di ako tinanong ng ganon!  Pero siya, ano? Nasa matinong pag-iisip siya ‘non ha! Maayos naman yung itsura niya ‘non. Mabango naman siya. Di naman siya amoy alak. Pero nagawa niyang gawin yung mga bagay na ‘yon! Sino ba naman ang hindi maiinis sa mga ganon?!

“Ma, kain ka na po.” sabi ko. Nasa hospital ako ngayon. Dito na rin kasi ako tumutuloy. Binabantayan ko si Mama.        

“Salamat, anak.” Ngumiti sa akin si Mama. “Buti nalang hindi ka nagsasawang alagaan ako.”

“Kulang pa nga yan sa 17 years na pagtya-tyaga mo sa akin eh.” Ngumiti ng bahagya si Mama.

Sanay na akong mag-stay dito sa hospital. Para ngang mas sanay pa ako dito kaysa sa bahay namin eh. Mas madalas kasi kaming dumalaw dito. Parang ito na nga ang home ko eh.

Nagkwentuhan muna kami saglit ni Mama. Nagkwento ako tungkol sa mga nangyayari sa school at pati na rin sa sarili ko. Sabi ko, stressed ako masyado lalo na’t malapit na ang final exam. Pero okay lang, kinakaya ko pa naman din.

Sinabi rin sa akin ni Mama na huwag daw ako puro aral. Subukan ko rin daw minsan mag-relax para ma-refresh na ang isip ko. Pero sabi ko naman, hindi na kailangan.

“Sige ma, pahinga ka muna. Gagawin ko lang assignments ko.” 

Pagkatapos ni Mama kumain, inayos ko na ‘yung mga pinagkainan niya. 7:30 na pala. Pinahiga ko na rin siya sa kama ay nilagyan siya ng kumot.        

“Emi,” bulong ni Mama. “Kung sakaling di na ako magising, gusto ko lang sana malaman mo na sobrang proud ako sayo at mahal na mahal kita.” Teka, ano ba naman tong sinasabi ni Mama! Bakit niya 'to sinasabi sakin ngayon?

“Ma, wag ka magsalita ng ganyan!” suway ko sa kanya.      

“Pasensya na.” ngumiti siya. “Ano na nga palang sabi ng Doctor tungkol sa’kin?”      

Biglang nag-flashback ang pinag-usapan namin ng doctor kahapon.

   

“A surgery can make her live longer. At ang magagastos operasyon na ito ay maglalaro sa pagitan ng PhP 100, 000 hanggang PhP 500,000.”

“W-Wala. Magiging okay ka lang, Ma. Promise.” ngumiti ako.

Naniniwala ako na may iba pang paraan para mapagaling si Mama. Hindi ako susuko. Ipapamukha ko sa Kean na ‘yon na hindi lang siya ang puwedeng tumulong sa’kin. Alam kong magiging okay lang si Mama.

 ***        

“So, get to your point. Bakit mo ba ako gustong kausapin?” tanong ni Kean. Psh, oo na sige na. Di ko na kaya. Wala na akong mahanap na way para magkapera.

Hindi ako mapakali. Sure na ako dito sa naging desisyon ko. Sana hindi ko ‘to pagsisihan.

 “Uhh...’y-yong about sa deal natin, pumapayag na ako.”

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon