Emieleen
Pagkadilat na pagkadilat ko ng mga mata ko, bigla akong nagkaroon ng mini-heart attack dahil hindi ko alam kung nasaan ako! Bakit ibang kwarto ‘to?! Tsaka ngayon lang ako nakarating dito!
Biglaan akong napabangon sa pagkakahiga.
“Gising ka na pala.” May narinig ako magsalita.
“Nasaan ako, ha?”
“Nandito ka sa—”
“Tsaka bakit ang sakit ng ulo ko?!”
“Ikaw naman kasi—”
“Yung damit ko, bakit nag-iba na?!”
“SANDALI NGA!” sigaw ni Kean.
Ano ba kasi talagang nangyari? Bakit wala akong matandaan? Nagka-amnesia na ba ako? Ano ba talagang meron?!
“Una, nandito ka sa bahay ko. Pangalawa, hangover ang tawag dyan. Pangatlo—”
“Oh no!” nanlaki yung mga mata ko. “Wag mo sabihin sa aking ginawa mo na sakin yung ano? Waaaaaaa!”
“Manahimik ka nga! Nakabanas naman eh!” saway nanaman ni Kean. Ang highblood naman nito. “Yung maid namin ang nagbihis sayo kaya wag kang ma-drama.” paliwanag niya naman sa akin.
Napa-isip ako. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. “Ano ba talagang nagyari, Kean?”
Hindi siya sumagot pero inabot niya sa akin ang isang papel. Ang Virginity List ko.
“Basahin mo.” utos niya. Tinignan ko yung papel at nakita kong may check mark na ang #1 sa listahan.
“You mean...” mahina kong sabi. “...nalasing ako kahapon?”
Natahimik ako. Eh sa hindi ko alam kung anong magiging reaction ko eh—kung matutuwa ba ako dahil nasisimulan ko nang ma-accomplish ang VL (Virginity List) ko, o malungkot dahil nakagawa ako ng bagay na hindi tinuro sa aking gawin ni Mama? Hay.
“Anong nangyari? Ba’t ka nakasimangot?” tanong sa akin ni Kean.
“Uuwi na ako.” Baka magalit o mag-alala pa si Mama sa’kin kasi di ako nakauwi kahapon. Tumayo na ako sa kama at kinuha ang bag ko na nakapatong lang doon sa gilid.
“Sigurado ka?”
“Oo.”
“Eh paano? Hindi ba masakit ulo mo? Di ka ba nahihilo? Gusto mo kumain ka muna?” Offer niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Virginity List
Teen FictionVirginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity.