Chapter 09

41.6K 423 51
                                    

Emieleen


"Oh? Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na." Sabi ko kay Kean.

"Alam mo bang ang dami kong ginagawa kanina pero lahat ng 'yon ay tinigil ko para lang hanapin ka? Tapos 'yan lang ang sasabihin mo sa akin?" nakangiti niyang sabi habang papalapit. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. Pero wala talaga ako sa mood ngayon para makisabay sa mga trip niya. "Gusto lang naman kita i-comfort."

"Hindi ko kailangan ng comfort mo." Pagmamatigas ko sa kanya. Gusto kong makapag-isa. Pati ba naman 'yon, mahirap na ring mangyari? Lahat na lang ba ng bagay na gusto ko, mahirap makuha?

"Of course you do."

"Wala kang alam, Kean."

Nagulat si Kean sa sinabi ko. "Ayaw mo naman kasi sabihin sa akin para malaman ko."

"Pwede ba? Wala ako sa mood ngayon. Umalis ka na lang, hindi kita kailangan dito." Pero imbis na magalit pa siya sa mga sinabi ko, mas lalo niya pa akong nilapitan.

"Alam mo, Emi, minsan kailangan mo ring i-accecpt ang totoo. Na...hindi lahat ng bagay makukuha mo. Katulad nga ng sinabi ko sayo, life is unfair."

"Hindi mo kasi ako maintindihan, Kean. At walang nakakaintindi sakin, kaya ka nagsasalita ng ganyan." Ang sakit sa dibdib ng nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko kaya 'to. First time ko lang mawawala sa mga honor students. Ano na lang kayang sasabihin sakin ni Mama? Imbis na maging proud siya, mas lalo lang sasama ang loob niya.

"Pero may mga tao namang pinipilit kang intindihin, di'ba?" Tinignan ko siya. Nakikita ko namang sincere siya sa mga sinasabi niya kaya naman hindi na napigilan ng mga luha ko na hindi bumagsak.

"Masakit kasi Kean, eh. Hindi ko alam kung saang parte ako nagkulang. Di'ba nakita mo namang nag-aral ako ng mabuti? Nakita mo naman yung effort ko di'ba? Pero...."

Niyakap niya ako. "Sige, iiyak mo lang yan. Kasi kapag hindi mo nilabas yan, mas lalo ka lang na masaktan."

"Ayoko na nito, Kean. Ayoko na...." bulong ko.

Inangat niya ang ulo ko at tinignan niya ako sa mga mata. "Don't worry, kahit naman hindi ka na kasali sa Top, ikaw pa rin naman ang number 1 sa puso ko, eh." At hinalikan niya ako sa....cheeks, oo cheeks lang. Wag ma-alarma. 

Natulala nalang ako bigla sa ginawa niya. "Huhu, Kean. Problemado na nga ako ang korni-korni mo pa."

"HUY! EMI! GISING!"

"H-ha?"

"Ano ba kanina ka pa tulog diyan, ah!" sabi ni Simply.

"Anong meron? Anong nangyayari?" nalilito kong tanong. Tinignan niya lang ako ng parang nagtataka.

"Anong 'anong meron' ka dyan! Tignan mo kaya!"

Tinignan ko ang paligid. Nakita ko ang mga schoolmates ko. Nakasuot sila ng kulay puting damit at nakaayos ang mga mukha nila. Oo, naka-Toga sila.Tinignan ko rin ang sarili ko. Naka-Toga rin ako. Magkasulobong pa rin ang mga kilay ko dahil nahihirapan akong intindihin ang mga nangyayari.

"G-Graduation?" tanong ko.

"Oo nga!"

"Edi...panaginip lang lahat ng 'yon?" Wala pa rin ako sa sarili ko.

"Ewan ko sayo! Basta ang alam ko kanina ka pa natutulog dyan buong ceremony. 'Yan tuloy hindi mo na alam ang nangyayari!" sagot niya. "Oh, mag-ready ka na. Next ka na dali!"

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon