Epilogue

25.4K 404 177
                                    

“There is no real ending. It’s just the place where you stop the story.” ― Frank Herbert

 

***

 

 

 

EPILOGUE

 

 

 

 

[Emieleen’s POV]

 

 

 

Pinaliwanag ko kay Kier na baka hindi muna kami makabalik ni Kean dahil nga magca-camping muna kami. Pero, feeling ko hindi okay yun para sa kanya.

“Si Kean nanaman?!” naiirita niyang tanong. “Bakit ba hindi mo malayuan yung taong yun?! Hindi ka pa ba nadadala sa mga ginagawa niya sayo?!”

Aaminin ko, nabigla ako dahil sa biglaang pagbabago ng mood at aura ni Kier. Hindi kasi ‘to yung masiyahin at malambing na Kier na nakikita ko dati eh.

“K-Kier…” sabi ko. “Sorry, pero kahit ako, yan din ang tinatanong sa sarili ko eh. Bakit nga ba hindi ko malayuan si Kean kahit alam kong sinaktan niya na ako?

“Emi, tigilan mo na ‘to…” napansin kong napasara niya ang kamao niya dahil alam kong naiinis siya. Sorry, Kier

 

 

“Bakit ba, Kier? Ano bang meron? Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ka naman ganito nung wala pa si Kean ah? May problema ba?”

Hangga’t kaya ko, sinusubukan ko maging kalmado. Alam kong may nangyari kaya nagkakaganito si Kier. Ang problema nga lang, hindi ko alam kung ano yun.

“Oo, Emi! May problema! At ikaw yun!” sabi ni Kier.

“Kier ano ba? Ano bang nagawa ko? Bakit ka nagkakaganyan?”

“K-kasi…”

Napatahimik siyang saglit. Nag-aalanagan kung ano yung mga sunod niyang sasabihin. Mukhang malalim ang iniisip niya, at hindi ko alam kung ano yun.

“K-kasi…” tuloy niya pa. “Kasi…mahal kita, Emi! Mahal kita!”

 

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon