(One shot)

19 0 0
                                    


Nakatingin ako sa magandang babaeng kaharap ko habang pinakikinggan ang mala-musika niyang tawa. Kahit na kailan, hindi ako nagsawang titigan siya simula pa nung una ko siyang makita.

Hindi siya sobrang kagandahan tulad ng mga supermodel sa runway. She's very beautiful in her own way.
Ang kanyang magagandang ngiti at kulay itim na mata ang kanyang best asset at malakas na panlaban sa ibang babae. Idagdag mo pa ang ganda ng tono ng boses niya. kung titignan mo siya, simpli siyang babae ngunit malakas ang kanyang dating.

"Ano sa tingin mo Oliver?"
Natauhan ako mula sa pagkakatitig ko sakanya nang tanungin ako ng kuya ko. Ang kanyang magiging Future husband.
"Ang alin?"
Nagtawanan ulit silang dalawa dahil sa akin.
"Kapatid ko, may problema ka ba? Kanina ka pa walang imik ah? Tinatanung kita kung mapapapayag mo ba si Mommy na sa ibang bansa nalang tayo mag-bakasyon bago ang kasal namin."

"Olivares, alam kong hindi papayag ang mommy mo. Wag nalang natin siyang pilitin. Isa pa, ayokong magtampo pa siya sa 'brother-in-law' ko dahil dinamay mo siya sa kakulitan mo."

Nagsalita siya, ang ganda ng boses niya. 'Brother-in-law' huh?
Hindi maganda pakinggan sa tenga ang salitang yun. Hindi ko tanggap!

"Gusto ko lang ipasyal si Mommy sa magandang lugar bilang pasasalamat ko sakanya." sambit ni Kuya.

Hindi kami totoong magkapatid ni Kuya Olivares. Kinupkop lang siya ni Mommy at tinuring na tunay na anak.
Kaya sa tuwing magkasama sila ni Mommy, para lang silang magkapatid. 38 years old si Mommy at 25 naman si kuya Olivares. Napagkakamalan pa sila minsan na mag-nobyo.

Maganda ang relasyon naming magkapatid at sobrang bait niya sa akin bilang nakababatang kapatid niya.

"Oliver, may gusto ka pa bang i-order?"
She's so sweet and thoughtful.
Pero ang hirap isipin na kapatid lang ang turing niya sa akin. kung sa bagay, mas matanda siya kaysa sa akin. I'm 20 and she's 22 years old. But age doesn't matter. Mas mukha pa akong matanda sakanya dahil baby face siya.

Ningitian ko lang siya.
"Wala. Okay na ako dito sa pagkain ko."
She smile again.
"Simula ngayun, tawagin mo na akong ate ha!?"

Hindi ko kaya.

Ningitian ko lang rin siya.
"Mukhang hindi bagay eh. Mas mukha ka pa kasing bata sa akin."
"May punto si Oliver, parang mas bata ka pa sakanya."
Pagsang-ayon ni kuya.

"Sige. As you wish my 'brother-in-law."

Grrr! That word again!

Tahimik namin tinapos ang lunch namin.

* * * *
"Kay Oliver nalang kita isasabay ha?"
Good, maso-solo ko na ulit siya.
"No problem, mag-iingat ka sa pagmamaneho mo."
Nagpaalam na sila sa isa't-isa, yumuko ako nang makita kong nagyakapan sila. I hate to see them like that! Selfish na ako kung selfish.

Umalis na ang sasakyan ni Kuya na Adventure. Minsan naisip ko, bakit siya lang ang binigyan ni Mommy ng sariling kotse at ako hindi? Dahil ba sa mas maraming achievement si Kuya Olivares kaysa sa akin? Oh! Here I go again, insecurities strike me!

"Oliver. Andito na yung taxi."
Pukaw sakin ng kasama kong magandang babae.

Sumakay na kami sa pinara niyang taxi.
"Kuya, sa Saint Luis Academy po." sabi niya sa driver.

Nagtataka kayu bat kami magkasama? Well, schoolmate kaming dalawa.
Sa Ateneo nag-aaral si kuya Kaya kung hinatid niya kami, aabutin siya ng mahigit isang oras pabalik sa school nila kaya sa akin niya pinasabay ang not-so-soon lovely bride niya.
Isa pa, schoolmate rin naman kami eh.

Civil Engeering ang major ko tulad kay Kuya Olivares, graduating na siya this year. Second year naman ako at mukhang aabutin pa ako nang 5 or 6 years bago pa ako makapagtapos. Nadadala kasi ako sa mga barkada ko at minsan tamad pang pumasok.

Tiningnan ko ang katabi kong kasalukuyang nare-review sa notes niya.
Tulad ni Kuya, masipag din siya. Political Science ang major niya at mas ahead siya sa akin ng One year.

Tumigil ang taxi sa tapat ng gate entrance ng school namin.
"Kuya bayad po."
"Ako nalang." offer ko sakanya.
"Hindi na Oliver, ito na."
"Ako nalang please."
"Ako na, sige na ha!" I was being hypnotized by her smile.
Inabot na niya sa driver ang bayad at saka kami bumaba at sabay pumasok ng school.

"Dito na ako Oliver. Have a nice day."
"Tin-tin!" Tawag ko sa palayaw niya.
"Bakit?"
Seryoso ko siyang tiningnan.
Wala akong pakialam kahit nasa gitna kami ng schoolyard.

"May sasabihin ka ba Oliver?"
Hindi ko siya sinagot.
"Male-late tayo pareho."
No answer.
"Oliver."
Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking noo.
"May sakit ka ba kapatid ko?"
Hinawakan ko siya kamay.

"Ayoko kita maging sister-in-law, Miss Isabella Christine Amorde."
Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

"Ayaw-ayaw m-mo sa akin?"
Halos maiyak niyang tanung.
I hate to see her eyes with that sad expression.

"Narinig mo diba?"
Binitiwan ko na siya saka tinalikuran.

Yes, ayoko siyang maging sis-in-law. Ayoko siya para sa kuya ko. Gusto ko siya para sa akin.

Author's Note:

Lemme read your reactions beloved readers. Itutuloy ko pa ba? Yes or No? I'm just doing this for you guys. 😄

Don't forget to drop your comments and votes ha! ☺️ Thank you and god bless.

My brother's beautiful brideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin