Part 8

14 0 0
                                    

Tintin POV

"Ano palang nangyari kay tita?"
"Bigla daw siyang nag-collapse"
Kasalukuyang Nagmamaneho si Olivares papuntang hospital.
Tinawagan niya para sumama..

"Alamo Tintin, nagpakita na ang asawa ni mommy, ang daddy ni Oliver."
"Talaga?"
"Oo. Magiging masaya na silang tatlo."

Pinagmasdan ko ang naging expression niya.
Halata ang lungkot at pangungulila ni Olivares.

"Kayong apat Oliv. Pamilya ka nila."
"Pero hindi ako tunay na anak ni mommy,"
"Hindi naman sa dugo basehan ang pagiging pamilya Oliv. Anak ka niya, tandaan mo yan."

Ngumiti siya..

"Sana nga lang siya ang tunay kong ina. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin simula pagkabata. Minsan nga, nahihiya na ako kay Oliver."

"Naging mabuti ka rin sakanya.."
Naaawa ako sakanya, ramdam kong natatakot siya na baka iwanan siya ng inang nagpalaki at kumupkop sakanya. Pero alam kong hindi ganun si Tita Olivia. She's a very good woman. Napaka-down to earth niyang babae..

After few minutes.
Nakarating na din kami sa hospital..
Pumasok kami sa room 221 kung saan ang room ni tita Olivia.
Wala pa rin siyang malay at nasa tabi naman niya si Oliver na titig na titig sa akin..

May lumapit saming isang gwapong lalaking may edad na. Mga 40 or 41 siguro siya
Pero sh-it!! Ang gwapo niya.
Siya ata ang asawa ni tita.. Kinikilig ako!
Bagay na bagay silang dalawa.
Pwedi silang gumanap sa movie bilang mag-asawang legendary na si Cupid at psyche ng greek methodology.

"Good evening sir. Ako po si Francisco Olivares. Adopted child ng asawa niyo."

"Alessandro Rafaell."
Niyakap niya si Olivares na parang anak niya..
Mukhang mabait naman siya kahit mukhang maldito..

"And She is Isabella Christine Amorde. My fiancee."
"Hello po."
"Hi beautiful lady" hinalikan niya ang kamay ko.
sh-it!! Ang sexy ng boses niya.
Palihim akong kinilig.
Bihira lang ako magka-crush.... sakanya pa..
Bagay na bagay talaga siya kay tita Olivia.
No doubt kaya gwapo si Oliver..
Perfect match ang mom and dad niya..

~~
Nagkukwentuhan silang tatlong mga lalaki. Ako naman nasa tabi lang ni Tita Olivia habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha.

Pero hindi ko rin minsan maiwasan ang mapasulyap kay Oliver.
At tama nga ang hinala ko, kanina pa siya nakatitig sa akin..
Matutunaw na ata ako.
Sana lang, hindi yun mapansin ni Olivares..

Tumabi si Mr. Rafaell kay Tita Olivia at hinawakan niya ang kaliwang kamay nito.
Titig na titig siya sa asawa niya..

"Kapag hindi ka pa gumising Olivia, hahalikan ulit kita."

Totoo ba ang narinig ko? Hahalikan? Ulit? Sana makita ko..

0__0

"Reyna Olivia, gising na. Naghihintay sayo ang mga anak natin.."
Romantic pala itong asawa ni tita..

Hindi ko mapigilan ang wag ngumiti.
Nakaka-inlove silang dalawa tignan.

Lumapit si Oliver sa daddy niya. Dun ko napansin ang hawig nila..
Para lang silang mag-kuya na kambal.

"Daddy, bukas na bukas din po gigising na si mommy"
Hindi ko masyadung pinansin ang presence ni Oliver sa harap ko..

"Gusto ko anak, ako ang unang-una niyang makita bukas."
"Ang corny niyo pala daddy"
"Kaya nga na-inlove sa akin ang mommy mo eeh.. Diba mahal ko?"
Tumayo siya at inilapit niya ang mukha niya kay Tita at hinalikan ito sa lips...

My brother's beautiful brideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin