Oliver POV
Nagyaya ang mga barkadang makipag-inuman.
Kaya andito kami ngayon sa bar habang nakikipagsabayan sa sensasyon ng alak.
Pero Kahit ilang bote na ang ininom ko, hindi pa rin ako tinatalaban ng epekto nitong alak.
Si Tintin pa rin nasa isip ko.Hindi sumama samin si Kuya, may pupuntahan daw siya at alam kong kay Sandy siya pupunta..
Gusto kong matuwa dahil napapalayo na siya kay Tintin, pero mas nasasaktan lang ako dahil kahit alam na ni Tintin na unti-unting lumalayo sakanya si Kuya, gumagawa naman ito ng paraan para makuha niya ulit ang pagmamahal nito..Gusto kong magalit kay Tin. napakamanhid niya.
Masyadu siyang mabait at mapagmahal kay kuya.
Gusto ko rin magalit kay kuya dahil ginagawa na niyang tanga at option ang babaeng mahal ko.Nakikipaglandian ang mga kasamaan ko sa mga waitress.
Habang ako naman ay nakaupo lang sa may sulok..Naaalala ko pa nung araw na nakilala ko si Tintin.
(Flashback)
2 years ago.
"Oliv. libre ka naman dyan oh. icelebrate natin ang score mo sa exam."
"Oo nga naman pre. ang taas ng grado mo."
"Mga ggo! (3) tres nga lang ang gradr ko, nang-iinsulto lang kayo eh."
Pinagtawanan ako ng mga kabarkada ko.
"Pero gutom na rin ako kaya tara, isasabay ko na kayo sa tanghalian ko."
"Yan ang tunay na Montierro!"
Nag-Thumbs up si Maro sakin.
"Wag ka nang mambola ggo!" Biro ko.
Nagtatawanan kami habang palabas ng campus para kumain sa canteen malapit lang sa school namin.~~~
Kami lang ang pinakamaingay na customers dito sa canteen..
"Inuman ulit tayo?"
"Di ako makakasama eh."
"Ayan ka na naman eh. si mommy mo na naman?"
"Mama's boy talaga si Oliver."
Pinagtawanan ba naman ako..
"Excuse me mga sir."
Natigilan kami nang lumapit sa amin ang isang waitress.Who is she?
Ang bilis ng tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin..
Ngumiti siya.
Ang ganda ng ngiti niya.
Anghel ba siya?
Sino siya?"Kukunin ko na po ang order niyo."
"Bigyan mo nalang kami miss ng food buffet. Good for three." sabi ni JR.
"Lagyan mo na rin ng extra rice.."
Dagdag pa ni Maro.
Ang kakapal! Sila talaga ang umorder."May additional pa po?"
"Wala na." Sagot ni Jr.Nakatitig lang ako sa babaeng ito..
~~~
Simula nun, napapadalas na ang punta ko sa canteen na ito.
Dito na rin ako kumakain ng lunch.Madalas ko siyang nakikita at napagmamasdan habang nagsi-served ng mga pagkain..
She's a simple girl, yet an intimate one."Hello sir. ano pong order niyo?"
Mag-isa akong kakain sa canteen nila.
Binigay ko ang order ko.Gustong-gusto ko talagang siyang kausapin.
Itanong ang pangalan niya, taga saan siya, ilang taon? Anong favorite color, etc.."Bayad ko miss oh."
Inabutan ko siya ng 500.
"Wait lang sir ha!? Kukuha ako ng sukli"
"Wait!. just keep the change."
"Po?" Halatang nahiya siya sa offer ko.
"Sayo na yung sukli."
Nakangiti kong sabi
"Wag na po sir, malaki ang sukli niyo.."
Ningitian ko siya.
"Miss, parating ikaw ang nagsi-served ng pagkain ko sa tuwing kumakain ako dito sa canteen niyo. Bonus tips ko na rin yan sayo.."
"Trabaho ko po kasi yun bilang waitress sir, kaya-"
"Just keep the change."
Pamimilit ko.
Ngumiti naman siya sa akin.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My brother's beautiful bride
Любовные романыDear Future Mrs. Montierro, Ako ang unang nakakita at nakahanap sayo. Kaya wala silang karapatang tawagin akong magnanakaw. Hindi rin ako mang-aagaw. Ang akin ay akin lamang! Hindi ko pinapahiram sa iba. Tandaan mo, ako ang magbib...