Tintin POV
After nung encountered namin ni Oliver, hindi na ulit kami nagpansinan hanggang matapos ang 3 days beach outing.
Minsan, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari..
Ako siguro ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganun.. Masyado akong naging close sakanya at dumating na sa puntong nagkagusto- hindi, minahal na niya ako.."Tintin.."
"Anu yun ate?"
"May dumating na delivery para sayo.."White Roses ang isang teddy bear na medyo malaki.
"Ang sweet naman ni Olivares sayo"
May sulat pa.Christine,
I'll do anything para magustuhan mo rin ako.Montierrro.
Hindi ito galing kay Oliv..
Si Oliver ang sender nito.
Im so sure..Binlock ko siya sa FB para wala na kaming communication dun..
Wala sin akong number sakanya.Ano ba itong gulong pinasok ko?.. Paanu kung malaman ni Oliv ang ginagawa ng kapatid niya? ..
For how many days, parati akong nakakatanggap ng mga flowers..
Akala nila mama si Oliv ang nagpapadala..One time, nagkasalubong kami ni Oliver sa labas ng Library.
"Hi Tintin."
Nakangiti siya, yung ngiting giliw.
Parang walang nangyari sa amin ah!
I smile back.
"Hello."
"Mukhang hindi ka pa kumakain ah. sabay nalang tayo?"
"Thank you pero, may usapan na kami ng mga friends ko."
"Too bad. Next time nalang.." nakangiti pa rin siya sakin.
"Oliver, alam kong ikaw ang nagpapadala ng mga flowers sa-sa akin."
"Nagustuhan mo?"
Pilit akong ngumiti.
"Oo. Thank you, wag mo sanag masamain. Pero, itigil mo na yun ha!"
"Bakit? Masama bang magbigay ng bulaklak sa babaeng gusto ko?"Ito na naman siya.
"Y-yung mga bulaklak.. Maganda sila. Pero wala na akong mapaglagyan. Isa pa, alam kong mahal ang mga yun kaya.. wag ka na magpadala ha?"
"I'm glad you like them.."
Iba yung ngiting pinapakita niya.
"Excuse me.."
Pumasok na ako sa loob ng library.Olivares POV
"Gov. hindi ka pa ba magla-lunch?"
Alok sa akin ng kabarkada ko.
"Mauna na kayu, tatapusin ko lang ang mga ito"
Masyadong maraming schedule event ang dapat asikasuhin para sa darating na sembreak..
Kahit napapagod na ako, kailangan ko pa rin tapusin ang mga ito.."Nakaka-inlove ka talagang tingnan kapag ganyan ka ka-seryoso."
Si Sandy na nakatayo sa pinto at my dalamg styrofoam food container."Vice Gov. bakit hindi ka sumabay sakanila mag-lunch?"
Lumapit siya sa akin."Ikaw ang gusto kong makasabay."
"Kailangan ko pang itong tapusin."
"Hindi ka matatapos sa mga trabaho mo kung kumakalam ang sikmura mo."
Tama siya..."Binili ko ang paborito mong pagkain."
Binuksan niya ang styrofoam at nalanghap ko masarap na amoy ng inihaw na manok..
Si Sandy ang unang nagpatikim sa akin nito."Salamat, babayaran ko nalang yan."
"Wag na. Hmm...Pero kung puso't pagmamahal mo ang ibabayad mo sa akin. Game"Natahimik kami pareho..
Alam kong hindi na dapat namin pabalikan pa ang alaala ng nakalipas.Tumikhim ako.
"Kumain ka na Oliv."
Biglang bumukas ang pinto at...
"Surprise!"
.
.
.
Si Tintin.."Tin."
Halatang nagtataka siya kung bakit magkasama kami ngayun ni Sandy.
May dala din siyang styrofoam na tulad ng dala ni Sandy.."H-hi,"
Tumayo ako nilapitan si Tintin.
"Halika, sana nagtext ka man lang na pupunta ka."
Nakatingin lang siya sa mga mata ko at kay Sandy."Gusto kitang i-surprise eh. May dala ako sayo pero...." tiningnan niya ang pagkaing dala para sa akin ni Sandy.
"Pero mukhang kakain ka na."
Nakangiti siya sa akin."Gov. aalis na ako, nice to see you Christine."
Lumabas siya ng opisina dala-dala ang binili niyang pagkain para sa akin.."I'm so sorry Oliv. Mukhang naabala ko kayo.."
"Hindi naman Tin.."Pero may parte ng utak ko na sinasabing habulin ko sa Sandy..
"Tintin, hintayin mo ako dito ah. May kukunin lang ako."
"Sige"
Dali-dali akong lumabas ng opisina at hinanap si Sandy..Nakatayo siya sa may tabi ng window glass ng hallway.
"Miss Riclon."
Humarap siya sa akin.
Ang lungkot ng mga mata niya."May kailangan ka Gov?"
Medyo namamaos pa ang boses niya..
Nilapitan ko siya."Binilhan mo ako ng pagkain pero babawiin mo lang rin pala?"
Nagtataka niya akong tiningnan..Kinuha ko yung food container na hawak niya..
"Para sa akin ito diba? Walang bawian.."
At ngumiti siya..
Hindi ko alam ano itong nararamdaman kong kakaiba sa tuwing kasama ko siya..
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My brother's beautiful bride
RomanceDear Future Mrs. Montierro, Ako ang unang nakakita at nakahanap sayo. Kaya wala silang karapatang tawagin akong magnanakaw. Hindi rin ako mang-aagaw. Ang akin ay akin lamang! Hindi ko pinapahiram sa iba. Tandaan mo, ako ang magbib...