Olivia POV
Ang dami kong problema na iniisip.
Una, ang kasal ni Olivares at Tintin na nagulo kaya medyo nagkakalabuan na ang dalawa. Tapos, ang hindi matapos-tapos na problema sa school. Sumabay pa si Oliver na laging nakakatanggap ng parents meeting dahil sa mga grades niya.
Nababahala na ako dahil baka ma-kick out na siya..7:59 pm na ng gabi pero wala pa rin ang mga anak ko sa bahay.
Pagpasok ko ng bahay, as usual, magulong gamit pa rin ang sumalubong sakin.
Mga lalaki talaga!!Hindi na mona ako nag-alis ng uniform at sinuot ko na ang Apron ko para maglinis kahit pagod..
Habang nagluluto ako ng mechado para sa Dinner, may kumatok sa pinto..
Baka sila na yan."Teka lang."
I'm so excited to see my sons.."Good ev-"
"Good evening too!"
Mabilis kong sinara ang pinto pero iniharang niya ang kamay niya kaya nabuksan ito at nakapasok siya."Umalis ka!"
"Hindi pa nga ako nakakapasok, pinapaalis mo na ako!?"Grabe! Mas lalo akong mapapagod nito..
Diretso siyang pumasok at umupo sa sofa..
"Ito ang bahay mo? Di hamak na mas malawak pa ang kusina ng bahay ko kumpara dito sa bahay mo Olivia."
"Anak ka ng demonyo Rafaell umalis ka nga!"
Tinawanan niya ako.
"Ayoko."
"Pagod ako. Ayaw kong makipagtalo sayo."
"Pagod din naman ako ah. At tandaan mo Olivia, may kasalanan ka pa."
Umiwas akong tingin."Alam mo bang para akong tangang nakikipag-talo sa mga magulang ko?"
"Bakit?"
"Tinanung mo pa talaga ha?"
Tumayo siya at lumapit sakin.."Pinagsigawan mong rapist ako."
Namula ako.
Oo nga pala, ginawa ko yun. Naku! Nagiging ulyanin na nga ako."T-teka lang, m-may niluluto pala ako."
Palusot ko at pumunta na ako ng kusina para tignan ang niluluto ko.Paano ko ba siya mapapaalis!? Ayokong makita kami ni Oliver. Hindi pa ako handang makilala niya si Rafaell bilang-
"Ang bango."
Nagulat ako nang maramdaman ko ang presensya niya..
"Ano ba?"Ngumiti siya.
Ka-mukhang ka-mukha talaga niya si Oliver."Rafaell, umalis ka na"
"Bakit ba nagmamatigas ka pa rin Olivia? Sabi ko naman sayo diba? Babalik ako para sa inyo."Tumalikod ako para hindi niya makita ang namumuong luha ko.
"Alam mo na ang dahilan Rafaell,"
Pinaharap niya ako sakanya.
"Bakit ka naiiyak?"
"Dahil galit ako sayo."
"Aalisin ko ang galit mo sa akin mahal kong Olivia."
"Hindi mo kaya."Ngumisi siya.
sa pagkagulat ko, bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi..
Hindi na ako teenager para makaramdam ng kilig pero parang nakukuryente ako..Hindi ito tama!
Mali ito.Pero traydor ang katawan ko.
Kusang bumigay at napayakap sa leeg ng demonyong lalaking ito.."Mommy?"
Naghiwalay kami pareho ni Rafaell at gulat na gulat..
"Oliver?"
Gulat na tinitigan ni Oliver si Rafaell.
"Sino ka?"
Sinugod niya si Rafaell at akmang susuntokin pero agad ding nakailag si Rafaell"Anak wag!"
"Sino ba siya mommy?"
Galit na tanung ng anak ko.
Tiningnan ko si Rafaell at sinenyasan na umalis na
Pero traydor din ang isang ito.."Ako and Daddy mo"
Di makapaniwala ang anak ko. Nakatingin lang siya kay Rafaell.
"Daddy?"
"Oo anak."
Tinakbo siya ni Oliver at niyakap ng mahigpit.
"Daddy ko."
Gumuhit ang kasiyahan sa mukha ng anak ko..Ito ang kinatatakutan kong pagkakataon.
Hindi ko na kinaya pa ang emosyon ko, naramdaman ko nalang ang bigla kong pagbagsak sa sahig.
"Mommy!"
"Olivia!!"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My brother's beautiful bride
RomanceDear Future Mrs. Montierro, Ako ang unang nakakita at nakahanap sayo. Kaya wala silang karapatang tawagin akong magnanakaw. Hindi rin ako mang-aagaw. Ang akin ay akin lamang! Hindi ko pinapahiram sa iba. Tandaan mo, ako ang magbib...