Part 4

2 0 0
                                    

Oliver POV

Basketball championship.

"5 minutes left. Maghanda na kayo."
Sabi ng Coach namin.

Nakaupo lang ako habang iniisip ang usapan namin ni Tintin noon.

(Flashback)

'Mag-date tayo.'
Tumawa siya ng mahina.
"Seryoso ako Tintin."
"Hindi ko sinabing nagbibiro ka Oliver."
Napayuko ako.
"Hindi ka siguro papayag kasi... kasi si Kuya."
"Anong tungkol sa kuya mo?"
Tiningnan ko sya ng diretso.

Ugh! Kailan ba kita makukuha?

"Kalimutan mo na lang yun."
Ngumiti nalang siya sabay hawak sa buhok niya na parang nagpapa-cute.
"sigurado ka?"
"Pasensya na Tintin. sige ha? May pasok pa kasi ako."
Tumayo ako
"Sige. Pag nanalo kayo, Date tayo."

Tama ba ang narinig ko?

"Talaga?" Nakangiti kong tanung

"Yes Oliver, para na rin mas ma-close ko pa ang magiging bro-in-law ko. ^.^ Diba sinabi ko naman sayo? I'll do anything for you."

(End of flashback)

•••••

Di ako nakatulog dahil sa kakaisip ko sakanya.

"Montierro, wala ka ata sa mood."

"Hindi po Coach, may iniisip lang."

"Be focus on the game ha."

"Opo." Lumabas mona ako para pumunta ng CR.

"Good luck sa game niyo."
"salamat Tin."
Napatingin ako sa bandang kanan at dun ko nakita si Kuya at Tintin na nag-uusap.
Ang sakit!

Nagyakapan sila.
Agad akong tumalikod para di makita ang eksena.

Nagmadali akong naglakad nang may mapansin akong babaeng nakatayo sa likod ng pinto.

"Sandy."
"Y-yes?" Halatang nagulat siya sa presensya ko.
"K-kanina ka pa ba dyan Oliver?"
Tinitigan ko siya.

"Kanina mo pa sila pinapanood?"
Yumuko siya.
"Hindi."
"Don't deny it Sandy,"
Nilapitan ko siya.
"Naiintindihan kita."
Tinitigan niya ako.
"Alam kong mahal mo pa rin hanggang ngayun si Kuya."

Pilit siyang ngumiti.
"Wala na kami ni Olivares, tanggap na namin yun."
"Ganun na lang?" Sarcastiko kong sabi.
"Wag kang magpanggap na ok ka lang Sandy."

Nag-init ang mukha nita sa galit

"Anong tingin mo sakin? Babaeng nanghahabol?"
"Hindi masama kung hahabulin mo ang taong mahal mo Sandy, ang mas masakit, ay ang pagpapanggap na ok ka lang."

"So, love expert pala ang kapatid ni Olivares huh?" Nangiinis niyang sabi.

"Wag kang mag alala Sandy, ibabalik ko sayu si Kuya."

Natulala siya sa sinabe ko.
Sa wakas, umepal sa eksena si Sandy. Mas magkakaroon na ako ng chance makuha ang gusto ko.

"Ikakasal na ang kuya mo."
"Ikakasal palang sila,"
Ngumiti ako ng pagka-pilyo.
"Maghintay ka Sandy, makukuha mo rin Kuya."
Tinalikuran ko na siya.

~~~~~

Nagsimula na ang laban sa basketball.
Shit! Halos tabla lang ang score namin. Magagaling masyadu ang kalaban.

Hinagis ng kalaban ang bola kay Kuya at tumatakbo naman ito papuntang Home para i-shoot.
Hindi pwedi ito.
Tumakbo ng mabilis para pigilang siyang ipasok ang bola pero ang bilis niyang tumakbo..

Nagpatuloy ang mainit ng laro sa pagitan ng team Saint luis at Team UP.
40 seconds left.

Nagsigawan ang Mga UP students sa pagkapanalo nila.

"Shit!"
Kinuyom ko ang palad ko.
Talo kami.
Talo ako ulit.
Laban kay kuya.
Ang hina ko.

"Congratulations to the champion."
Nagsimula ng magkalat ang mga tao sa court at maghinayawan.

"Oliv."
Si Tintin.
Napalingon ako sa likuran.
"Ang galing mo!"
Parang bumagsak ang mundo ko.

"Salamat Tintin!"
Binuhat ni Kuya si Tintin.
"Oyyy!"
"Ang sweet!"

Nagsigawan ang mga babae.
Kinantshawan sila ng mga tao.

Oo nga pala, kilala silang Perfect couple.
Ang sakit sakit.

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan silang masaya.
Talo na naman ako.

"Kiss! Kiss! Kiss!"
Sigaw ng mga tao.

Ayoko makita ito.
Tumalikod na ako.

~~~
Pagkatapos kong magbihis, niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpaalam sa coach namin.

Habang naglalakad ako palabas ng gym, may humarang sakin.

"You did a great job Oliver."
nangiti ako "Tintin."
May inabot siya saking mineral na gathorade...
"Ang galing mo."
"Salamat, pero natalo kami."
"Hindi kayo natalo Oliver, walang panalo at walang talo sa inyo. Laro lang yan."

Pero natalo ako sayo ni kuya.

"Proud na proud ka siguro lalo kay kuya."

"Proud ako sa inyong dalawa."

Tinitigan ko siya.
"Bat ang lungkot mo Oliver?"
"Hindi na matutuloy ang Date natin."

"Bakit naman?"
"Natalo ako, wala akong reward."
Para akong bata.

"Ang cute talaga ng baby brothet ko.."
Kinurot niya ako sa pisngi..

"Paano kung sabihin ko sayong ide-Date kita?"

"Nagbibiro ka lang Tintin eeh."
"I'm not..seriously."
"Talaga?"
"Yes."
Nayakap ko siya nang di sinasadya.
"Thank you Tin, thank you."

She hugged me back.

"Anything for my brother."

Hindi ko nalang mona papansinin ang pagtawag niya sakin ng 'brother', sa ngayun, lulubusin ko na ang pagyakap ko sakanya.

Bigla akong may naalala at humiwalay agad ako sakanya.
"Sorry, basang-basa pala ako ng pawis. Di ko sinasadya."
"Ayos lang, ikaw naman."
Pinunasan pa niya ang pawis sa noo ko gamit ang palad niya. Mas lalo akong maiinlove ako sayo Tintin..

"Tara na? Nagyaya ang kuya mong kumain sa labas. Sama ka samin."

"Salamat nalang, pero may dadaanan pa ako."
"Totoo?"
"Oo, tapos diretso na lang ako sa bahay. pagod na rin kasi ako ee."

"Sige. Hindi na kita pipilitin. Congratulation again Oliver."

"Thanks."
Pinagmamasdan ko siyang umalis habang nakangiti.
di ako makapaniwala. Mas masarap pa sa pakiramdam ang manalo ng Date with your Love one kaysa mag uwi ng trophy.

"So gagamitin mo lang pala ako para maagaw ang babaeng papakasalan ng kuya mo?"
Si Sandy na nakasandal sa pader.

"Wala kang karapatan magsalit ng ganyan Sandy"
"Tama nga talaga ang hinala ko sayo Oliver."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nilapitan ako ni sandy sabay tapik sa balikat ko.

"Alam kong alam na alam mo ang ibig kong sabihin."
Inalis ko ang kamay niya.
"Sige Oliver, hihintayin kitang gumawa ng paraan upang ibalik sakin ang minamahal kong si Olivares."

I smile.

"Deal."

My brother's beautiful brideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin