Part 12

7 0 0
                                    

Oliver POV

"I-scramble mo lang yan ng mabuti anak."
"Like this mom?"
"Yes son."
Nagpapaturo ako kay mommy ngayon kung paano mag-bake ng cookies..
Tinitigan ako ni mommy.
"Ang swerte ng babaeng bibigyan mo niyan."
I smile sweetly.
"Sana nga mom magustuhan niya.."
"Of course anak, of course.."

"Hey guys."
"Hi Oliv.."
"Wow! Bro, ang galing mo pala mag-bake.."
"Nagpaturo lang kay mom, kuya."
"Kanino mo ba yan ibibigay?"

Kay Tintin..

"Kanino pa ba? Sa prinsesa niya." Pang aasar ni mom..
ngumiti si kuya.
"Good luck bro."
"Ah kuya, kumusta na pala si Tintin?"
"She's ok. pero nasa bahay nila mo na siya.."
"Nagkasakit ba siya?"
"Hindi naman, pero worried lang sakanya ang mama niya. Anyway, aalis na ako. May meeting pa sa school."

After few mins.
Tapos ang cookies.
"Mom look."
"It look so delicious.." tinikman niya ito.
"Ang sarap anak.."
Yes!
"Really mom?"
"Oo anak."
"Mom, can you please help me kung paano ito i-arrange ng mabuti sa box?
"Leave it to me.."

~~~
"Umupo ka mona Oliver ipagtitimpla lang kita ng juice ha?"
"Ah.. si Tintin?"
"Naliligo pa eh.." sabi ng ate niya.
Nakaupo ako sa maliit nilang sofa at hawak-hawak ang box of cookies.
Sana magustuhan niya ito.

"Mag-juice ka mo na."
"Salamat ate.."
"Maiwan mona kita dito ha!?Andito naman si Tintin ee. Susunduin ko lang si mama sa palingke."
"Ingat ate.."

Ang tagal naman maligo ni Tintin.
Halos naubos ko na ang juice ko pero wala pa siya.

Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila.
Nakabukas ng kunti ang pintong kaharap ko.
Napangiti ako ng mabasa ko ang nakasulat sa may doorknob na
*Tintin's wonderland*

Tumayo ako at pumasok dun, dala-dala pa rin ang box of cookies..
So, ito pala ang kwarto niya?
Ang hilig niya sa mga cartoons characters.
Hello kitty, spongebob, tweety, bugs bunny, petc...
Para siyang bata.

Nahagilap ng mata ko ang maliit na picture frame na nakasabit sa wall.
Old picture niya nung bata pa siya.
Ang cute niya!

Ang dami rin niyang teddy bears at dolls pero hindi ko nakita ni isa ang mga teddy bears na pinapadala ko sakanya. Saan kaya niya yun tinabi?

"Oliver!"
Paglingon ko sa pinto, nakatayo siya dun at basang-basa ang buhok.
Fresh from the bath.
Naka-pambahay siya ng suot..

"B-bakit andito ka?"
"Sorry, umm.. ibibigay ko sayo ito."
Inabot ko ang box na naglalaman ng cookies..
"Ako ang nag-bake niyan. kami pala ni mommy."
"Thank you. sa labas tayo, magulo kasi kwarto ko eh.."

~~~
"Masarap ba?"
"Mmm." Kinakagatan niya ang cookies..
"Thank you."
Nahihiya niyang sabi.
How cute she is!
"You're welcome Tintin."
"Umm... Oliver, may hihingin akong pabor sayo."
"Ano yun?"
parang nagdadalawang isip siyang sabihin..
"Sabihin mo na Tintin.."
"Sana, wag mong masamain ang sasabihin ko sayo."
Bahagya akong napabuntong-hininga.
"Mukhang hindi ko magugustuhan yang sasabihin mo."
Mukhang magkakasagutan na naman...

"Oliver ayokong magkagulo kayo."
Ang lungkot ng mga mata niya.

"Sige na Tintin, sabihin mo na ang pabor na hinihingi mo.."
Iniwas niya ang tingin niya..
"Gusto kong.."
"Ano?"
"Gusto kong.. umiwas mo na tayo sa isa't-isa."
"Bakit Tintin?"
"Naiilang ako.. s-sayo,, sa sitwasyon natin."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo and I ran my fingers to my hairs.
Nakaka-frustrate!

"Hindi ko kaya Tintin! alam mo namang gusto kita diba? Na mahal kita."
"Hindi ito tama!"
"Yan parati ang naririnig ko sayo. Diba pweding gustuhin mo nalang rin ako?"
"I can't."
Umupo ako sa tabi niya at nilapit ang aking mukha.
I can smell her scent.
"Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo rin ako.. Hanggang sa mahalin mo na ako."
"Wag na."
"Tintin I really really like you."
I moved closer to her.
Umaatras siya.
"Wag mo naman akong ipagtabuyan palayo sayo. please!"
Hinawakan niya ako sa dibdib para itulak pero hinawakan ko siya sa wrist..
"I'm so sorry, pero gusto na talaga kita. Mah-"
"Wag! Masasaktan ka lang."
"Hindi ko na kayang pigilan itong feelings ko sayo. Please, hayaan mo nalang akong iparamdam ko sayo.."
"Hindi pwedi, magugulo lang tayo.. kayo. ni Oliv."
"Hihingin kita kay kuya."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Hindi ako laruan!"
"Hindi yun ang tingin ko sayo. Gusto-"
"Nagiging selfish ka lang kaya ka nagkakaganyan."
"Dahil gust-"
"Stop it!"
"Makinig ka nga!"
Nahawakan ko ang magkabilang braso niya..
"Mahal kita."
Halos pabulong kong sabi habang papalapit ako sakanya.. I want to kiss her.

"Itigil mo yan."
Di ko siya pinakinggan at palapit ako nang palapit.
"Oliv-"

Aw!aw!aw..

Kumahol ang asong si Maxx sa labas.
Ibig sabihin, may dumating.

"Hello big dog."
Boses yun ni Kuya.
Naglayo kami ni Tintin..

"Tin?"
Tawag ni kuya mula sa labas at pinuntahan naman siya ni Tintin..
"Andyan na."

Wrong timing naman oh!!

"Bro."
Na-surprisa ata si Kuya dahil andito ako.
"Kuya."
"Dio ka lang pala pumunta? At.."
Napatingin siya sa Box ng cookies..

Kanino mo ba yan ibibigay?

Nag-iba ang reaksyon ni Kuya..
"Oliv?"
Tinitigan niya si Tintin.
Isang titig na nagtatanong.

Kinabahan tuloy ako.
Di bale nang sa akin siya magalit, wag lang kay Tintin..

"Tin, gusto lang kitang iinvite sa birthday party ng kapatid ni Sandy. Gusto niyang nandun tayo mamayang gabi, kasama ka na rin Bro."

"Sige kuya."
Mukhang may binabalak ang babaeng yun.
Kung sa bagay, kasabwat rin niya ako.

Author's Note

Commentss! :)

My brother's beautiful brideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin