Part 3

0 0 0
                                    

Oliver POV

iamBellaChris Amorde Status:

"I'm so lucky to have him. I love you Francisco Olivares Montierro."

Pwedi bang palitan ng Oliver yung Olivares? Kung pwedi lang.
Nag-update din ako ng status ko.

OlivMontierro Tiazon status:

AKO nalang sana.

After 5 seconds, naka-10 likes na at 1 comment.

iamBellaChris Amorde commented on your status.

'She'll notice you someday. :)'

Napahiga na lang ako sa kama at tumulala sa kisame.

Ayoko ng someday Tintin.

"Oliver."
"Mommy."
Umupo siya sa tabi ko.

"Imbes na mag-aral ang future Engineer ko, puro social media ang inaatupag."
Ngumiti ako.
"Di naman parati eh."
"Oliver."
Halata ang lungkot ni mom sa tono ng boses niya.

"Hanggang ngayun pa ba, gusto mong makita ang ama mo? Hindi ka galit sakanya?"
"Mom, kahit na kailan. Hindi ako magagalit sa taong bumuhay sakin dito sa mundo."

Umiwas ng tingin si Mommy.

"Hey Ms. Marrisa Olivia. Anong reaction yan?" Sabay hawak sa baba ni mom. :)

Ngumiti siya.

"Wala lang anak." hinawakan niya ang kamay ko.

"Mommy, may tanung ako."
"Ano yun?"
Tinitigan ko siya.

"Bakit ang ganda-ganda mo?"
Humalakhak si Mom.

"Francisco Oliver. Ang sagot ko dyan sa tanung mo ay 'wag kang bolero'."

Natawa naman ako.

"Seriously mommy, isa ka sa mga pinakamagandang babae na nakita ko."

"Isa ako sa mga nakita mo? Bakit? May babae bang nagagandahan ka rin ha Oliv?"
"Merun"

Ang gf ni kuya.

"Nagbi-binata na talaga ang baby boy ko"
"Tss. Mommy, wag mo akong tinatawag na ganyan. Hindi ako baby."
"Whatever baby."
"Olivia.."

School day.

"Hell week na naman." Komento ni Maro.
"Gusto ko na atang mag-shift. Ang daming requirements dito sa Engineering.

Dakdak nang dakdak ang mga kasamahan ko.
Nakatambay kami ngayon sa Lobby dahil lunch break na.

"Oliver."
Awtomatiko akong napangiti.
"Tintin."
"Sabay na tayong mag-lunch?"
Tumikhim ang mga kasamahan ko.
"Hi guys. Pweding pahiram mo na saglit si Oliver?"
"Oh sure. hindi naman yan importante sa barkada eh"
Biro ni Xena.
"Wag mo na siyang Ibalik Miss Amorde." dagdag pa ni JR.
Natawa si Tintin sakanila
"Loyal frienda ko tlaga kayo." komento ko.

Cafeteria

"Tapos alam mo pa? Yung blablablah."
Nagkkwento siya habang kumakain kami pero hindi ako makapag-concentrate makinig dahil titig na titig ako sa kanya.

Tumawa siya sa di ko alam na dahilan, siguro dahil dun sa kwento niya.
Napangiti ako.

"Oliver naman eh."
Natauhan ako.
"Bakit?"
"Napipilitan ka lang makinig sakin nuh? Nakakahiya na."

Nag-pout siya.

"Hindi, nakikinig ako sayo."
"Talaga?"
"Oo."
"sige nga, ano yung topic ko?"
Napakamot-ulo ako.
"Kita mo na? Ikaw talaga."
Ngumiti siya,
"Iniisip mo na naman ba yung girl?"
"Oo. Pero masaya na ako dahil, nagkakalapit na kami."
"Good! ^.^ ganyan dapat, maging confidence ka sa sarili mo. Gwapo ka at mabait kaya hindi imposibling di ka niya magugustuhan"

"Salamat Tintin. Salamat."

"Anyway, good luck sa laro niyo sa basketball championship. Ang hot ng laro dahil magkalaban ang Team niyo ng kuya mo."
"Siguro, mas susuportahan mo ang Team UP. Dahil andun si Kuya."
Nagtatampo kong sabi.

"Susurpotahan ko kayung magkapatid."

"Tintin, may hihilingin ako."
"Anu yun?"
"Kung sakaling, kami ang manalo sa laro. Gusto kong bigyan mo ako ng... Reward."

"Sige. Anong reward gusto mo?"
.
.
.
.
"Mag-Date tayo."

My brother's beautiful brideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin