Part 5

3 0 0
                                    

Oliver POV

Andito ako ngayon sa park kung saan kami magkikita ng babaeng gusto ko.

Di pa rin ako mapakali.
Shit! Parang ako yung babaeng sobrang excited sa first date niya. This is childish! Calm down myself.

"Brother!"
She's here! Mas di ako mapakali. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumatakbo siya palapit sakin at tela na-slow motion ang bawat kilos niya.
Sumabay pa ang hangin sakanya, para siyang anghel na bumaba sa lupa.
Ang OA ko na ata masyadu sa pag-describe ko sakanya.

"Patawad! Natagalan ako ng dating."

Nakatitig lang ako sakanya. Til now di ako makapaniwala na naririto ulit siya sa tabi ko.

"Oliver?"
Natauhan ako sa pagtawag niya
"A-ayos lang."
Nilabas na naman ang ngiti niyang nakakaakit.

"Ang gwapo naman ng baby brother ko."

Nagsalubong ang kilay ko.
"Di ako bata."
Tumawa siya.
"Binibiro lang kita Oliver."
Lumapit siya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Inaayos niya ang collar ng damit ko.

"Siguro sa sobrang pagmamadali mong makita ang ate Tintin mo nakalimutan mong ibaba ang collar ng damit mo noh?"
Nahiya ako.
Ibig sabihin, naglakad akong hindi nakaayos ang collat ko? Ugh!!

"Hindi kita ate Tintin."
"Ikaw talaga!" Pinisil niya ang ilong ko.

"Tara na!? Saan ang punta natin?"
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya.
"Tintin, pwedi ba kitang i-holding hands?"
"Nakahawak ka na nga sakin babybrother."pilyo niyang sagot.
Pinisil ko ang kamay niya.

"Hindi kita kapatid."
"Soon-to-be lang ganun?"

Soon-to-be-wife

Eenjoy ko itong firt date namin.

Olivares POV

Nagpaalam sakin si Tintin kahapon, nagyaya daw makipag-Date sakanya ang kapatid ko.
Feel na feel niya talaga ang pagiging ate niya kay Oliver.
Minsan, ayaw kong ma-attach siya masyadu sa ibang lalaki pero ayoko naman maging selfish sakanya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo Gov."
huminga ako ng malalim sabay sandal sa upuan ko.
"Wala ito Sandy."
Inusog niya ang upuan niya sa tabi ko.
Ramdam ko ang titig mga titig niya sakin kahit sa ibang direksyun ako nakatanaw.
"Kailan ang kasal niyong dalawa Olivares?"
Tiningnan ko siya ng maigi
"Malapit na."
Yumuko siya.
"I think, hindi na ako makakapunta para icongrats ka sa araw na yun."

Iniwas ko ang tingin ko sakanya.
"Olivares, kung hinintay mo lang sana ako-"
"Kailangan ko ng umalis ngayon Miss Riclon."

Mabilisan akong tumayo.
"Alam kong umiiwas ka na naman sa usapan Olivares."

"Dahil yun ang dapat Sandy. Hindi na natin kailangan ungkatin pa ang nakaraan."
Tumayo siya at nilapitan ako.

"So, nakaraan na lang ako sayo ngayun?"

Tumalikod ako para iwasan na ang walang kwentang usapan na ito.

"Wag na wag mo ulit akong tatalikuran Olivares."
Hinila niya ang kanang braso ko.

Humarap ako sakanya.
"Ikaw ang tumalikod sakin Sandy. Ikaw ang tumalikod. Tandaan mo yan!"
Binitawan niya ako yumuko at siya.
"Forgive me Olivares."

Tuluyan kona siyang iniwan.
Yes, she's my first love since Highschool. I loved her since the first time I've her. Pero nagbago ang lahat simula nang talikuran niya ako. She's now my ex. May karapatan din naman akong magalit.

My brother's beautiful brideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin