Oliver POV
"Ang aga mo dito ah."
Sinalubong ako ni Sandy na mukhang abala sa pag-oorganize ng party."Sakto lang naman ang dating ko."
Lumapit ito at inayos niya ang collar ng damit ko.
"Anong plano mo Sandy?"
Ngumisi siya..
"Wag mo nang itanung."
Kumunot-noo ako.
"Magkakampi tayo diba?"
"Oo. Pero ang plano ko tonight, ay ang mahalin ulit ako ni Olivares.."
"What do you mean? You will surrender yourself to him?"
Hinampas niya ako sa braso ng mahina.
"Dirty thought! Hindi ako ganun kababaw. Ikaw ang bata-bata mo pa ganyan na iniisip mo."
Natawa ako.
"Eh ano?"
"Ipapaalala ko sakanya ang pagmamahalan namin."
"Mahal mo ba talaga ang kuya ko?"
"Hindi ako makikipagkasundo na bawiin siya sa tulong ng batang katulad mo kung hindi ako desperada sa kuya mo"
"Hindi ako bata!"
"Wow! Sige, binata."Nagsimula na ang simpling party. kwentuhan lang at kainan habang may music sounds..
"Ang boring ng party mo Sandy."
"Edi Umalis ka. Pero pag ginawa mo yun. Hindi mo makikita tonight ang beloved mong si Tintin.."
sumimangot ako.."Speaking of her. Andyan na sila.."
Tumingin ako sa pinto.
Siya at si kuya, magkasama.
"Perfect lovers huh?"
Sarkastikong sabi ng kasama kong babae na halatang selos na selos. Tulad ko."Cute lang yang Tintin mo. Pero mas maganda naman ako."
Komento ni Sandy."Inggitera ka talaga!"
Biro ko.
She just rolled her eyes..Tiningnan ko mabuti si Tintin.
Ang simpli niya pero gandang-ganda talaga ako sakanya.Kinakausap ng mga kabarkada ni kuya si Tintin habang sinosolo naman ni Sandy si Kuya..
Pansin ko na naka-focus ang tingin ni Tintin kina kuya at Sandy.
Tiningnan ko ang dalawa na seryosong nag-uusap.
Ano naman kaya ang pinagsasabi ni Sandy??
Ilang sandali, hila-hila ni Sandy ang kamay ni kuya at lumabas sila ng bahay..Tumayo rin si Tintin.
Susundan niya sila kaya sinundan ko rin siya..~~~
Tintin POVAng dilim naman dito sa labas ng bahay nila Sandy..
Saan ba sila pumunta?
Hindi maganda ang kutob ko sakanila..
Oo, nagseselos ako.
Dapat lang ba?Tingin ako nang tingin sa paligid pero madilim talaga.
Natatakot na ako.Biglang may humawak sa beywang ko..
"Ahhhh!"
"Sshh.."
"Si-sino ka?"
"Oliver."
Akmang hihiwalay ako sa hawak niya, nang yakapin niya ako at isandal sa matigas na bagay.."Bitiwan mo ako."
Mahina kong sabi.
"No."
"Baka may makakita sa atin at iba ang isipin.."
"Walang makakakita sa atin dahil madilim."
Hinaplos niya ang buhok ko.
"Tintin."
He said in a seductive voice.
Kinilabutan ako..
"Oliver papasok na ako sa loob."
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay ng mahigpit.
"Tatakasan mo ulit ako ganun?"
naiiyak ako..
Ayoko ng ganitong scenario.
"Ang kuya mo.. b-baka makita k-ka niya.. tayo. Ayokong mangyari yun."
Kinakabahan na ako.
"Magkasama sila ni Sandy."Uminit ang dugo ko sa sinabi niya.
Ang nakakainis pa dito ay hindi ko gaanung nakikita ang mukha niya.
Pero mas ok na yun..
Gusto ko na talagang dumistansya palayo sakanya."Bitiwan mo ako o sisigaw ako!"
Tumawa siya ng mahina.
"Ang tapang pala ng babaeng mahal ko."
Kumakawala ako sa hawak niya pero mas hinigpitan pa niya yun."Tintin, mag-aaral ako ng mabuti and I promise, ipapasa ko ang Bar exam. Magiging good future engineering ako. I will make you proud."
Ang gulo na nito.
Ang hirap na niyang kausapin.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My brother's beautiful bride
RomanceDear Future Mrs. Montierro, Ako ang unang nakakita at nakahanap sayo. Kaya wala silang karapatang tawagin akong magnanakaw. Hindi rin ako mang-aagaw. Ang akin ay akin lamang! Hindi ko pinapahiram sa iba. Tandaan mo, ako ang magbib...