Ito na ang araw kung saan mag-iisang dibdib ang dalawang puso.
Halos lahat ng bisita sobrang excited nang simulan ang kasal. pwes ako hindi!
Katabi ko ngayun si Kuya na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Ang gwapo niya sa black tuxedo niyang suot.
Hindi siya kabado, parang normal lang sakanya ang araw na ito. Si mommy naman busy sa pag-eentertain ng mga bisita."Kuya, aalis mona ako."
Pagpapaalam ko.
"Saan ka pupunta?"
"May kakausapin lang."
"Bumalik ka agad ok? Ikaw pa naman ang best man ko."
"Sure."
Nagpaalam din ako kay mama saka Lumabas ng simbahan para puntahan ang beloved bride.Medyo malapit lang ang simbahan at ang hotel kung nasaan si Tintin ngayun.
SA HOTEL
(Room 203)Mahina akong kumatok sa pinto ng room kung saan inaayosan si Tintin.
Ang ate ni Tintin na si Elliz ang nagbukas sakin.
"Hi Oliver."
"Hi."
"Anong ginagawa mo dito?"
Sumilip ako at nakita ko ang magandang babaeng naka-gown habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Sana kami nalang ang ikakasal ngayun.
"Gusto ko lang makausap ang bride."
"Tintin? May kakausap sayu."
Nakita ko siyang tumayo.
Ang ganda talaga niya.
"Oliver?"
Pinatuloy ako ng ate niya.
Pinagmasdan ko ang kabuuan niya.
She look so perfect in her wedding dress.Ningitian niya ako.
"Ang ganda mo talaga Tintin."
"Salamat baby bro."
Nilapitan niya ako at niyakap.
Nakaramdam tuloy ako ng guilty sa binabalak ko...
"Anong sasabihin mo sakin?"
tinitigan ko siya.
"Wala naman, gusto lang kitang icongrats."
"Salamat Oliver."
Pinilit kong ngumiti..
Ang hirap na magpanggap na masaya.
"Sige, aalis na ako."
"See you in church."
Nagpaalam ako sakanila saka lumabas.
Pagsakay ko ng elevator pababa. huminga ako ng malalim saka nilabas ang cell phone ko para tawagan si Sandy."Hello Oliver."
"Sandy? Itutuloy pa ba natin?"
"Ano ka ba Oliver. Ngayun ka pa talaga naduwag kung saka fix na ang plano natin."
Iritado niyang sabi
"Sandy, parang... parang nagi-guilty na ako."
Ginulo ko ng kunti ang buhok ko.
"Wala ng atrasan ito Oliver!"
Pumikit ako para makapag-isip ng mabuti.
"Itutuloy natin ito."
Determinadong sambit ng kausap ko
dumilat ako saka tinitigan ang pinto ng elevator.
"Sige. Nasa Room 203 siya."
Narinig kong ngumiti si Sandy sa kabilang linya.Patawag Tintin! Patawad..
Tintin POV
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ikakasal na talaga ngayong araw na ito?
Magiging Mrs.Montierro na ako.Nakaupo ako habang kinukunan ng mga litrato ng photographer kasama ang mga bridesmaids ko nang may pumasok na lalaking naka-formal attire din.
"Ms. Isabella Christine, kailangan ko na po kayong ihatid sa simbahan. naghihintay na po ang groom."
"Okay."
Tumayo ako at tinulungan naman ako ng mga bridesmaids ko sa pag-ayos ng gown ko.
"Masaya ako para sayo Tintin."
"Salamat ate."Inihatid nila ako pababa at sumakay na ng kotse. Naunang umalis ang sasakyan ng mga kasama ko at hihintay nalang nila ako sa labas ng simbahan.
Sobrang kinakabahan ako na para bang may mali.
"Kuya, tara na po."
Sabi ko sa driver.
Umandar na ang kotse.After few minutes....
"Kuya, mali po ata ang dinaanan natin"
Hindi ako niya sinagot.
"K-kuya?"
Di niya ako nilingon.
Kinabahan ako lalo nang makita kong nakakalayo na kami sa city town.
"K-kuya. Mali ito. Maling-mali." gusto ko ng maiyak.
"Kuya sino ka ba?"
Imbes na sagutin niya ako, inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada.
"Baba!"
"A-no?"
"Baba sabi eh."
"Kuya, ibalik mo nalang ako. kasal ko ngayon, kailangan ko makarating sa si-"
"Wala akong pakialam. Napag-utosan lang ako."
"Sinong nag-utos sayo?"
Halata ang pagka-iritado sa mukha niya kaya bumaba nalang siya ng driver seat at pumunta sa backseat at pinagbuksan ako ng pinto.
"Bumaba ka na."
"Kuya maawa ka. Ibalik mo nalang ako. Parang awa mo na!"
Sapilitan niya akong pinababa ng kotse.
"kuya wag mo itong gawin!" Napaluha na ako..
Sumakay siya sa kotse at iniwan ako mag isa sa kung saang lugar man ito.Anong gagawin ko?
Paano na ako makakaabot sa kasal namin?My god! Hindi ba ako deserving ikasal kaya ito ang nangyari?
Paano si Olivares?
Mapapahiya siya...Napaupo ako sa semento habang umiiyak.
"Somebody, help me."
Mahina kong bulong.
Halatang Walang dumaan masyadung sasakyan dito.
Paano na ako? Kahit lakarin ko pa ito pabalik. Alam kong maliligaw lang ako!Oliver POV
Nagkagulo na dito sa loob ng simbahan..
"1 hour na mahigit nawawala si Tintin."
Nag-aalalang sabi ng ate niya..
"Sigurado ba kayong sinundo na siya ng driver?"
Nagpapanic na rin si Kuya.Pinalitan ni Sandy ang driver na dapat susundo kay Tintin..
"Olivares nasaan na ba talaga ang bride mo?" Saad ni Mommy.
"Ewan ko mom, wag po ako ang tanungin niyi dahil hindi ko alam."
Lakad nang lakad si Kuya at di mapakali.
Kumusta na kaya si Tintin? Ugh! Gusto kong saktan ang sarili ko sa ginawa ko sakanila.. Ang sama ko!"Mga kuya!"
May maliit na batang paslit ang tumatakbo palapit samin sa altar at may hawak-hawak siyang maliit na papel.."Mga kuya tino po ta inyo ti kuya Olivaret?"
Ang cute niya..
Nilapitan siya ni kuya
"Ako yun little boy."
"Para po ta inyo tong tulat."
Inabot nung bata kay kuya yung hawak niyang papel.
"Alit na po ako."
Tumakbo na siya palabas ng simbahan.. sino kayang batang yun?
Pagkabasa ni kuya sa sulat na natanggap niya. Agad niya itong tinapon sa sahig.
"Ipagpaumanhin po ninyong lahat, pero walang kasalan ang magaganap."
Nagulat ang lahat.
"Oliv. ano bang pinagsasabi mo?"
"Patawad mommy, patawad sa inyong lahat!"
Lumabas na ng simbahan si kuya.
"Oliv!!"
Sinundan siya ni mom.
Nagsilabasan na rin ang lahat ng mga bisita.
Umiiyak ang ate at mama ni Tintin..
"Diyos ko. Ano bang nangyari sa kapatid mo Elliz?"Kasalanan kong lahat ito..
Pinulot ko ang papel at binasa ang nakasulat..Olivares,
Patawarin mo sana ako.
Pero hindi pa ako handang pakasalan ka. Please forgive me.Isabella Christine.
Si Sandy ang may gawa nito. Grabe ang galing niya..
Agad ko siyang tinawagan."Sandy."
"Anong nangyari?"
"Nagtagumpay tayo."
Tumawa siya ng malakas kaya nilayo ang phone sa tenga ko.
"Grabe! Ang galing. kumampi talaga ang tadhana sa plano natin Oliver"
"Oo. Pero nasaktan natin sila, lalong lalo na si Kuya."
"Haynaku' nangyari na, wala ng bawian ito. Kaya panindigan nalang natin."
"Sandy, sigurado ka bang walang makakaalam sa ginawa nating ito?"
"Ikaw, ako, at ang diyos lang ang may nakakaalam."
huminga ako ng malalim. Ang laki talaga ng naging kasalanan ko-namin.."Sana nandyan ako kanina para makita ko ang naging reaksyon ni Olivares"
Humalakhak na naman siya..
"Saan lugar mo inutos dalhin si Tintin?"
"Bakit? Pupuntahan mo?"
"Oo."
"Tsk!tsk.. di mo talaga siya matiis."...
Pinuntahan ko agad ang location na sinabi ni Sandy kung saan pinagdalhan si Tintin.
Sinakyan ko ang kotse ni Kuya. siguro dahil sa galit niya hindi na niya napansin itong kotse niya na basta nalang niyang iniwan sa simbahan.
Saan ka na ba Tintin? I hope you're ok.Palinga-linga ako sa gilid ng kalsada habang nagmamaneho.
"Tintin!"
Hininto ko ang kotse at mabilis na bumaba.
At ayun siya, nakaupo sa gilid ng kalsada habang nakapamaluktot.
Para siyang runaway bride sa hitsura niya.Nilapitan ko siya.
"Christine"
Dahan-dahan niyang tinaas ang ulo niya at tiningala ako.
She's crying.."Oliver?"
Tumayo siya at niyakap ako saka humagulgol. Mas niyakap ko siya ng mahigpit.
This is my fault!! ako ang nagpaiyak sakanya.
"Tahan na."
"A-akala ko, w-wala nang makakaalala sa-sa akin."
"Sshh.. Andito na ako"
Hinigpitan ko pa ang yakap sakanya.
Hindi ko siya kayang tignan ng ganito.
Oo, nagtagumpay nga ako sa plano ko. Pero nasaktan ko naman siya... pinaiyak."Patawarin mo ako Tintin."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My brother's beautiful bride
RomanceDear Future Mrs. Montierro, Ako ang unang nakakita at nakahanap sayo. Kaya wala silang karapatang tawagin akong magnanakaw. Hindi rin ako mang-aagaw. Ang akin ay akin lamang! Hindi ko pinapahiram sa iba. Tandaan mo, ako ang magbib...