CHAPTER SIX

564 62 10
                                    

Kung si Lalie ang tatanungin, wala siyang balak na ipagdiwang ang ika-40 days ng yumaong don. Para sa kanya kasi'y kabaliwan at aksaya ng oras at handa ang ganoong klaseng selebrasyon. Bakit pa raw kasi ipagdiriwang ang isang bagay na alam naman ng lahat na nagpapaalala lamang sa pasakit ng pamilya?

"I know, I know," nakangiting pakli ni Attorney Zamora nang maglitanya si Lalie ng mga rason niya kung bakit ayaw itong gawin. "Pero kailangan mo ring intindihin na si Fernando ay kilala sa lipunan. Natural lamang na aasahan ito ng kanyang mga kakilala. Sa oras na hindi mo ito gawin, bilang dati niyang kabiyak, lalakas ang kanilang paniniwala na may foul play sa pagkamatay niya."

Napasimangot si Lalie pagkarinig sa salitang 'foul play'. Hindi man niya naintindihan iyon may kutob siyang hindi maganda ang kahulugan.

"Alam n'yong inosente ako sa pagkamatay niya, Atorni, di ba?" Namaywang pa si Lalie sabay pilig-pilig sa ulo. For a while, nakalimutan niyang maikli na pala ang kanyang buhok at wala nang aalon-alon sa tuwing gawin niya ang gano'n kundi ang kanyang dangling earrings na this time ay kahugis ng kampana.

Tumangu-tango ang abogado. No'n naman pumasok si Mauro. As usual, tila umuusok na naman ang bumbunan nito sa galit.

"Is it true, Attorney? Dad will not have his forty days celebration...?" Napasulyap din si Mauro kay Lalie na noo'y itinitirik ang mga mata habang nakapamaywang paharap sa pool. Nasa labas sila ng mansion ng mga Dela Paz nang mga oras na iyon. Si Lalie ay naka-two-piece swimwear na kulay asul at nakatapi ng kulay dilaw na sarong.

"Where did you get that idea?" tanong ni Attorney Zamora kay Mauro.

"Sabi ng mga katulong."

"Hay. Kalalaking tao pero nakikinig sa tsismis," pasaring ni Lalie sabay ayos kunwari ng kanyang oversized white sombrero sa ulo. Nakatayo siya sa gilid ng nakaupong si Attorney Zamora samantalang si Mauro ay nakatayo naman sa kabilang gilid ng matanda.

Mauro glared at Lalie, then looked at their lawyer again. Suot pa rin ng lalaki ang suit nito na ipinasok sa opisina. Kauuwi niya lang din ng bahay nang hapong iyon.

"Iyan nga ang pinag-uusapan namin ni Lalie. Don't worry, hijo. Your dad will have that as part of the family tradition."

"Kahit naman ayaw ng isa riyan, Attorney, I will do it myself. It's the least I can do for my dad."

Ginagad ni Lalie si Mauro. Hindi naman siya pinansin ng huli. Sa halip patuloy ito sa pakikipag-usap sa kanilang abogado.

"Sige, Atorni. Nawalan na ako ng ganang mag-swimming." Binigyan ni Lalie ng imaginary hair flip si Mauro bago naglakad pabalik sa mansion. Nagkunwari siyang rumarampa nang may exaggerated sway ng kanyang balakang para inisin lalo si Mauro. Hindi na niya nakita ang pagkagat-labi ng huli habang nakatingin sa kanya papalayo. He looked so mad. But at the same time, he seemed to have a confused expression in his eyes. A part of him looked mad at her, but another part looked kind of in awe of her.

**********

Si Lalie ang nag-asikaso sa mga bisitang dumating sa mansion nang ipagdaos nila ang ika-40 days na pagyao ng don. Karamihan sa mga dumating ay mga kaibigan, kasosyo sa negosyo, at kamag-anak ng mga Dela Paz. Makikita sa mga babaeng bisita, lalo na ang mga may edad na, na nakaririwasa ang lahat sa buhay. Para kasing nagkaroon ng patalbugan sa dami ng suot na alahas at sa presyo ng damit, sapatos, at ng mga dala-dalang bags. May nakasabit ding Hermes sling bag sa katawan ni Lalie subalit natitiyak niyang wala ito kompara sa mga dala ng matronang bisita. Ang damit naman niyang kulay puti na hanggang tuhod ang haba at korteng A-line ay gawa ng isang local designer, si Shelby San Diego, samantalang ang sa mga matrona'y mula pa raw kina Versace at Gucci.

KAHIT MINSAN LAMANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon