Matapos mailibing si Don Fernando, hindi umuwi sa mansion si Mauro ng kung ilang araw. Ang binigay na rason ni Attorney Zamora kay Lalie ay kinailangan nitong mapag-isa muna habang nagdadalamhati na ikinataas naman ng kilay ng babae.
"Sa laki ng bahay na ito, maaari niyang gawin iyon dito kung gusto niya. Iyang sa liff weng ay walang nagamit. Gusto niya palang mapag-isa, eh di do'n siya sa liff."
"I'm sorry, what? Liff?" Nalito ang abogado. It took him a few seconds to understand what Lalie meant. Mukhang naintindihan na nito dahil bigla na lamang tumawa nang malakas. Nang makita ang pagtataka sa mga mata ni Lalie, bigla itong natigil sabay buntong-hininga. "Iyan nga rin ang sinabi ko sa batang iyon. Para hindi kayo magbanggaan dito, 'kako'y magkasundo kayong hatiin ang mansion na ito. Sa iyo ang right wing at sa kanya naman ang left wing."
Left wing, naisip ni Lalie. Iyon pala iyon? Buset! Ang bobo ko!
"Ang sabihin n'yo, Atorni, ang arte kamo ng lalaking iyon!" sagot ni Lalie. Hindi na binigyang-pansin ang pag-correct ng abogado sa kanyang sinabi. "Baka mamaya niyan ay may binabalak palang masama sa akin ang hudas na iyon. Hindi n'yo ho naitatanong, may nag-tip po sa aking pulis. Pinapaimbestigahang muli ng hinayupak na lalaking iyon ang pagkamatay ng kanyang ama. Hindi niya matanggap na wala akong kinalaman sa lahat!" Napahalukipkip si Lalie habang naka-pout nang isumbong iyon sa abogado.
Pinangunutan ng noo si Attorney Zamora. Hindi agad ito nakapagsalita. Tila bagang pinroseso pa muna ang mga sinabi ng kaharap. Mukhang hindi kasi nito ma-connect na ang Mauro na ubod ng bait at magalang sa matatanda ay the same Mauro na tinutukoy ni Lalie na gumagawa ng sneaky ways para 'maiganti' ang ama.
"Sigurado ka?"
Itinirik ni Lalie ang mga mata. "Siguradong-sigurado, Atorni. Hindi maaaring magsinungaling sa akin ang ka-tropa kong pulis."
"Salamat sa impormasyon, iha. 'Yaan mo't kakausapin ko."
"Ay, naku, h'wag, Atorni! Baka isipin niyang sinabi ko sa inyo at baka may gawin siya sa aking masama. Wala pa naman akong kakampi sa pamamahay na ito."
"Paanong walang kakampi? Hindi ba't ikaw ang nag-hire sa mga bagong katulong? Natural na sa iyo ang simpatiya ng mga iyon."
"Haist, Atorni! Malalandi ang mga shungang iyon! Buset sila! Lahat sila kinikilig sa hinayupak na lalaking iyon! Paano ko sila magiging kakampi?" Itinirik pa ni Lalie ang mga mata.
Bigla na namang natawa ang abogado. "Bueno. Sige. Makakaasa kang hindi malalaman ni Mauro ang tungkol dito sa sinabi mo. Ako na lang ang gagawa ng paraan na makumbinse siyang h'wag nang uriratin pa ang tungkol sa pagkamatay ng ama dahil na-rule out nang wala iyong foul play. O, siya, mauuna na ako, ha? Don't worry about the TV and radio reporters. Naibilin ko na sa mga gwardiyang maging alisto. Bawal ang magpapasok ng kahit sino nang wala tayong pahintulot."
Napatangu-tango si Lalie saka tahimik na sinamahan palabas ang butihing abogado.
Nang mga panahong iyon, ang hinahanap nilang binata ay prenteng nagpapahinga sa isang beach resort sa Batangas. Dalawang bagay ang pinunta roon ni Mauro. Una sa lahat, gusto niyang makita ang isa sa mga pinagkagastahan ng kanyang ama nang ito'y nabubuhay pa. Ang beach na pinuntahan niya ay ang latest project ng papa niya na mariin nilang pinagtalunan. Ayaw kasi sana niyang ma-stress pa ang matanda sa isang panibagong negosyo dahil pinag-iingat ng doktor sa kanyang kalusugan. Minsan na kasi itong na-stroke. Subalit, wala rin siyang nagawa dahil naging mapilit ang ama. Kaya heto at natuloy ang proyekto.
"This is the latest income statement, sir. Pero kung gusto n'yo ng last three years, nandito lang po sila sa folder na ito," anang chief accountant ng resort
BINABASA MO ANG
KAHIT MINSAN LAMANG
ChickLitBatid ni Lalie kung gaano ang pagkasuklam sa kanya ni Mauro, ang anak ng yumaong don na si Don Fernando Saturnino Dela Paz. Alam rin niya na siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng ama. Pero who cares? Ang importante nasa kamay na niya ang matagal n...