Ang naiiritang mukha ng BFF niyang si Rihanna ang sumalubong kay Lalie sa parlor. Halos ihampas niya sa dibdib ng bakla ang dalang Gucci bag dahil sa inis din. Ang usapan kasi nila alas onse. Heto't halos mag-aala una na nang siya'y dumating sa parlor ng kaibigan sa SM Southmall. Dahil galit siya, nag-mellow na rin si Rihanna.
"Sambakol na naman ang fesluk mo. Ano'ng ganap?"
"Pinatsek-ap ako ng hinayupak na anak ni Fernando! 'Tang ina!" gigil na gigil na sagot ni Lalie habang pumupwesto ito sa isang bakanteng upuan sa harap ng salamin. Hindi pa siya nasabihan ng mga taga-parlor kung pwede na siyang isalang pero in-assume na niya na siya na ang susunod.
"Pina-check up ka? Bakit?" At sinalat-salat ni Rihanna ang kanyang noo't leeg. "You seemed fine to me. Ano raw sakit mo?"
"Wala akong sakit, bruha! Inisip lang ng hinayupak na buntis ako at gusto raw niyang pag-ingatan ang baby brother niya. Dapak!"
Napakurap-kurap ang Rihanna pagkarinig sa malutong na 'dapak'. Siguro na-realize din agad kung ano iyon dahil napangiti ito.
Narinig lang minsan ni Lalie ang mga katagang iyon kay Rihanna at naging bukambibig na niya kapag nag-uumapaw ang galit.
"Pa'no kasi, you look majubis na girl. Sige, eat pa more!"
Pinaningkitan ni Lalie ng mga mata ang kaibigan. "Isa pang majubis diyan at manghihiram ka ng mukha sa aso!"
"Cheka lang. Ikaw naman, o."
"Chekahin mong mukha mo! Mainit ang ulo ko!"
Alam ni Lalie na hindi pa rin nagbabago ang timbang niya simula nang dalhin siya ni Don Fernando sa mansion at naging masagana na lagi ang kanyang hapag-kainan. Gayunpaman, napatingin pa rin siya sa kanyang tiyan dahil sa biro ng BFF. Paano nga kung totoo? Inusisa niya ang pusod. Lumaki ba ang puson niya?
"Hoy, ano ba! Kadiri kang babae ka. Ano'ng binubukaka mo't binubulatlat mo pa ang pusod mo?" anas ni Rihanna. Napalingon-lingon pa ito sa mga parokyano. Nagpakawala ito ng sigh of relief nang makita na halos abala ang mga ito sa kababasa ng mga fashion magazines nila.
"Teka. Takpan mo muna ako, bakla! May mga lalaki pala kayong customers! Ngayon ko lang napansin. Kainis kasing Mauro iyon, eh. Pinainit ang ulo ko!"
"Don't worry, sistah. Mga achoo iyan."
"Sure ka? Achoo ka nang achoo diyan, pag tinigasan sila pagkakita sa pusod ko malilintikan ka sa aking bakla ka!" asik dito ni Lalie, pero hindi na siya galit. Naggagalit-galitan na lang.
"Akin na nga iyang hairlalu mo at kukulayan na natin nang matigil na ang pag-aatungal mo riyan."
Ngumiti-ngiti na nga si Lalie at inayos na ang pagkakaupo.
**********
Medyo inaantok pa sa pagod si Mauro nang dumating ng bahay nang hapong iyon. Iyon ang pinakamaaga niyang uwi. Alas sais y medya. Buti na lang at hindi natuloy ang last appointment niya with their investor from Malaysia. Kung nakipag-meeting pa siya roon, malamang ay nasa opisina pa rin siya nang mga oras na iyon. At hindi na kaya ng mga mata niyang dumilat. He woke up so early that day dahil excited sana siyang ma-confirm ang pregnancy ng madrasta. Fvck! Napahiya siya sa kaklase. Bukod sa false alarm ang isinugod niya sa clinic ng kaibigan, nag-asta pang walang breeding ang madrasta niya. Pinakita talaga sa buong madla kung gaano siya kawalang modo at walang pinag-aralan.
"Manang, pakidalhan ako ng kape sa study room. I need it to stay awake," utos niya sa isa sa mga katulong na nakasalubong. Hinilot-hilot pa niya ang leeg sa pagod.
Dederetso na sana siya sa study room nang biglang bumaba ng hagdan ang madrasta. Susulyap lang sana siya rito at babati ng 'good evening' bilang pagbigay-galang nang mapamulagat siya sa hitsura nito. Gano'n pa rin naman ang gupit pero kinulayan nito ang buhok ng matingkad na pink and purple! Pinkish ang kulay ng bangs hanggang sa kalahati ng ulo at sa bandang likod ay purple naman. Nagmukha tuloy itong alien sa kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
KAHIT MINSAN LAMANG
ChickLitBatid ni Lalie kung gaano ang pagkasuklam sa kanya ni Mauro, ang anak ng yumaong don na si Don Fernando Saturnino Dela Paz. Alam rin niya na siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng ama. Pero who cares? Ang importante nasa kamay na niya ang matagal n...