"Unang Tagpo"
"Magandang araw binibini"
Aking bati sa isang magandang dalaga
Na nakatayo sa kabilang karsada
Mapupungay ang kanyang nga mata
Na kapag tumitig sayo'y talagang matutunaw ka
At hindi mo aakalaing maaakit ka
Bumati sya sa aking pabalik
At ngumiti ng napakatamis
Kasingtamis pa ng sorbetes
Lumapit sya at tinanong ang aking ngalan
Hindi ko naman masagot ng deretsahan
Dahil hindi ko akalaing ganun pala ang pakiramdam
Kapag sya ay nasa malapitan
Ako'y nauutal utal at hindi alam ang gagawin
Sinagot ko ang kanyang katanungan
Ngunit sya'y tumango lamang at lumisan
Hindi ko man lang naisip
Na itanong ang kanyang ngalan
Teka ako'y nagiging pagong sa kanyang harapan
Lumipas ang ilang araw hindi ko na nalaman
Kung bakit hindi pa sya maalis sa aking isipan
Tila ako ay kanyang nakulam
O di kaya'y umibig na ako sa kanya Ng tuluyan
Hindi ko akalaing umibig akong muli
Hindi ko akalaing sa tulad nya pa
Sa isang dalagang hindi ako kayang mahalin pabalik
Kailan kaya kita makikitang muli aking Maria Clara
Ika'y mag ingat sapagkat ako'y naghihintay pa
Na masilayang muli ang iyong mga mata
★★★
Si Maria Clara po sa aking buhay ay namalagi na po sa ibang bahay kaya tayo'y magbigay pugay sa kanyang pakikipaghiwalay HAHAHAHAHAHAHAHA babyeeeeee thankyouuuu for reading mwaaa
YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
