"Pagpili"
Sa dinami dami ng pwedeng bumalik
Yun pa talagang mga taong may saltik
Yung para bang sabik na sabik
Dalawang taong pursigido sa akin
Na halos tatalon sa bangin
Kapag hindi mo sasagutin
At lambingin
Mga taong ewan ko pero mga tanga kumbaga
Nagpapakatanga sa tulad kong pinapabayaan sila
At walang isang salita
Nalilito ako kung sino ba talaga
Nalilito ako kasi yung isa mahal ako ng sobra
Handa syang harapin ang aking pamilya
Kahit na masasakit silang magsalita
Ngunit parang ayoko sya
Marami pa ring ugali ang ayaw ko sa kanya
At sa huli baka masaktan ko lamang ang puso nya
Isa syang maginoo
Ngunit hindi nya naiintindihan ang panig ko
Dinadaan nya sa emosyon ang lahat ng ito 
Marami syang pangarap kasama ako
Ngunit iba ang nais gawin ko
Yan ay ang magsolo sa mundong ito
Masakit mang isipin
Ngunit pinakawalan ko ang bituin
Na syang nagbigay ningning
Sa mundo kong makulimlim
Ang isa'y mahal ako
Ngunit ilang beses pinatulo ang mga luha ko
Ilang beses sinaktan ang akin puso
Hinarap nya ang aking pamilya
Ngunit hindi sya ang nais nila
Ayaw nila ako para sa kanya
Ayaw kong manatili sa kanya
Dahil masakit rin itong magsalita
At madaming babaeng kinikilala
Ang dalawang pinakawalan ko
Dahil alam kong hindi sila para sa puso ko
Dahil alam kong paiiyakan lamang ang akin puso
At kung papipiliin man ako sa dalawang ito
Mas pipiliin ko ang sarili ko
Dahil ako lamang ang nagbibigay saya sa aking puso
Ako lamang ang nagbibigay kalayaan para dito
At kung may mang aakit muli sa puso ko
Hinding hindi ko na muling mamahalin ito
Dahil isa lamang silang sakit sa ulo
                                      
                                          
                                  
                                              YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
