"Pangungulila"
Abril bente dalawangpu dalawampu't tatlo
Araw ng aking pagsagot sa iyo
Araw na tayong dalawa ay pinagtagpo
Ilang linggo pa lamang mula ng ako'y iwan
Ngunit para na itong buwan Kung papakiramdaman
Matagal na ito para sa aking isipan
Hindi ko pa rin kayang limutin
Ang mga masasayang ala ala natin
Ewan ko ba sa aking damdamin
Ngunit yun ang kanyang utos sa akin
Labis ang aking paghihinagpis
Gabi Gabi akong tumatangis
Sapagkat alam ko, hindi talaga ako ang 'yong nais
Pag ibig na dapat sinigurado mo
Bago ipagtapat Ito
Tila'y napakamanhid mo
Hindi mo ramdam ang puso ko
Napakaswerte ng iyong nakaraan
Sapagkat hanggang ngayon ang puso mo'y
Sa kanya nakalaan
Ngunit pa'no naman akong umiibig sa'yo ng lubusan?
Ilang linggo na ang nakalipas hindi pa rin kita nakakalimutan
Alam kong ako'y masasaktan lamang
Kapag ipagpatuloy ang aking nararamdaman
Totoo ba talaga Ito?
O laro laro lang sa isip ko?
Bakit nasasaktan ako kung laro lamang ito?
Hindi ka ba nanabik sa akin mahal ko?
Tila ako'y parang wala lamang sa iyo
Minahal mo nga ba talaga ako?
Hulyo bente dalawangpu dalawampu't tatlo
Kung saan magtatatlong buwan sana tayo
Ngunit wala ka sapagkat ako'y iniwan mo
Ako'y nananabik
Sa mga yakap mo't halik
Ngunit kailanman alam kong hindi na ito muling makakamit
Wala na ba talagang pag asa?
Ayaw mo na ba talaga?
Tila nag iba ka nga tulad ng iba
Sana'y naunawaan mong hindi kita kayang limutin ngayon
Sapagkat minahal kita ng wagas noon
Ngunit hayaan mo na lamang lahat ng 'yon
Ako'y nananabik ngunit wala akong magagawa
Nais kang maging akin ngunit hindi na tayo ang tinadhana
Sa huling pagkakataon nais kong sabihing "mahal na mahal kita"
YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
