TULA 1.9

35 1 0
                                        

"Ibang Anyo"



Luha ma'y pumatak
Palagi pa ring hahalakhak
Masakit man ang damdamin
Ako'y ngingiti pa rin




Kaya kong itago
Lahat ng naramdaman ko
Hindi nyo lang mahalata ang mga luha ko
Luhang matagal ng di lumalabas sa mata ko



Akala ko damdamin ko'y ayos na
Kasi nakaramdam na ako ng saya
Ngunit dumating ang araw na
Muling may bumalik sa'king alaala


Alaala na ayaw kong ma alala
Alaalang gusto ko ng mawala
Alaalang sana'y hindi ko na lang ginawa
Sapagkat ito'y pinagsisihan ko ng sobra

Ang mga luha ko'y bawal makita ng iba
Hindi dahil sila ay nahihiya
Ngunit dahil sila ay walanghiya
Walanghiyang mag anyong masaya


Kaya hindi ako tinutulungan ng iba
Kasi ang buong akala nila
Isang akong matapang
At hindi na nasasaktan


Ngunit alam ko sa sarili kong masakit na
Ang hapdi hapdi na
Ngunit patuloy pa rin ako sa paghinga
Upang mapakita sa kanila na ayus na


Kasi dyaan ako magaling ang pasayahin sila
Kahit ako ay lubog na lubog na
Gusto kong ipakita sa kanila na matapang ako
Ngunit kapag mag isa na, ang hirap ng patahanin ng luha ko


Akala ko'y wala na ang sakit
Yung nakaraan kong mapait
Ngunit ako'y mali ng hinala
Nanatili pala ito talaga
Sa damdamin kong nag aanyong masaya


Sana dumating ang panahon na mawala na ito
Mawala ang puot ang hinagpis ng puso ko
Sana maglaho na ito
Upang mabuo ng muli ang aking puso

Forbidden PoetryWhere stories live. Discover now