"Estranghero"
Isang estranghero na naman ang aking nakilala
Nagsimula noong kumapit ako sa bisig nya
Sumabay sya sa yapak ng aking mga paa
At hinatid ako sa mesang nakalaan na sa aming dalawa
Noong una'y lahat ay balewala
Walang malesya ang tinginan naming dalawa
Ngunit ng makita ng iba ang aming pagkaka iba
Nagsimula ng magningning ang mga mata ng madla
Ang lahat ay nagkaroon ng kahulugan
Umabot na sa pagkakataong wala ng urungan
Ika'y lumapit at biglang inamin ang katotohanan
Na ikaw ay may kakaiba ng nararamdaman
Hindi ka bigla bigla ang 'yong tinuran
Ngunit ako'y umiiwas sa sasabihin ng aking kaibigan
Kayong dalawa ay may nakaraan
At ayaw kong mangyari ang nasa aking isipan
Hindi ko sinabing ayaw ko sa'yo
Ngunit hindi ko rin sinabi na may gusto ako
Wala ako sa dalawa, dahil umiiwas ako sa sasabihin ng iba
Ang tanging ginawa ko lang ay ang makakabuti sa ating dalawa
Sabi nga ng aking ina "kung tayo, tayo talaga"
At si tadhana na doon ang bahala
Wala tayong magagawa kung hindi talaga tayong dalawa
Ngunit sana'y maging masaya tayo kung saan man tayo mapunta
Isang estranghero na naman
Estrangherong aking nasaktan
Para makamit ang aking kapayapaan
Upang makatakas sa panglalait ng kaibigan
Estrangherong maaari ko din sanang magustuhan
Ngunit agad kong pinagsalitaan
Na hindi ko sya magugustuhan
At hindi tama ang aking paraan
Kung alam mo lang sana ang dahilan
Maaari mo pang maintindihan
Maaari mo pa ulit subukan
At maaari pa nating simulan
Simulan ang maghanap ng sari-sarili nating daan
YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
