"Paalam"
Ang ganda, ang amo ng 'yong mukha
Nung una ayaw kong maniwala
Na totoo nga yung anghel sa lupa
Pero ngayon, nakita kita
Akala ko'y para sa akin ka
Ngunit teka teka
Bigla kong naalala
Pareha pala tayong dalaga
Alam ng lahat na mali 'yon
Ngunit puso ko'y ayaw sumang ayon
Mahal kana neto
O mahal ko
Maraming ayaw kapag tayo'y magkasama
Maraming ayaw na maging tayong dalawa
Ngunit ano ba ang magagawa nila
Kundi tumingin lamang sa ating dalawa
Pinaglaban ka kahit kanino
Kahit sa magulang ko
Alam kong sa huli'y masasaktan tayo
Masasaktan at iiyak tayo pareho
Ngunit wala akong planong magpakawala
Dahil sa loob ng aking matapang na mukha
Ay may puso itong napakadalubhasa
Na tila'y lalabas kapag nariyan ka
Oo, sobrang nahulog ang loob ko 
Minahal nga kita ng todo
Nagtiwala ako ng buo
Ngunit sa huli'y nawasak mo
Putangina mo! Bakit mo ginawa ito?
Sa dami dami ng tao
Ikaw ang hindi ko inaasahang gagawin 'to
Haha, nakakatawa, ngayon pa'no na ako?
Tila'y napakamanhid mo
Hindi mo ba narinig ang puso ko?
Ay oo bingi ka nga pala ano?
Kaya nung puro iyak ako
Wala ka man lang nagawa para mapatahan ako
Hanggang sa muli mahal ko
Kahit alam kong masakit ito
Ngunit hahayaan na kitang lumayo
Maraming salamat binibini, jal gayo(paalam)
                                      
                                          
                                  
                                              YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
