"Biak Kong Tinig"
Sa pagbukas ng bagong pahina
Ika'y nabigyan ng bagong simula
Simulang nagbigay ng bagong pag asa
Upang ika'y magpatuloy pa
Mahirap man ang pinagdaanan
Ngunit ito'y nalagpasan
Ikaw man ay napagod
Ngunit patuloy pa ring kumayod
Na kahit nakakapagod na
Hindi mo pa rin hinayaang madapa
Sapagkat matapang ka
At ayaw mong biguin sila 
Na kahit gaano kahirap
Kailangan mong magsikap
Upang matupad ang iyong mga pangarap
Sa kabila ng mga paghihirap
Alam kong minsa'y nakakapagod na
Nakakapagod magpigil ng luha
Kasi gusto mong itago ito
Dahil akala mo walang may pake sa'yo
Pero nandito ako
Nandito para punasan ang luha mo
Dahil kahit talikuran ka nila
Ako'y mananatili't dadamayan ka
Dahil ramdam ko ang iyong sakit
Ramdam ko lahat ng pait
Sapagkat naranasan ko na rin yan
Naranasan kong mag isa lang sa laban
Kasi kahit ipakita ko sa kanila
Na masakit ang kanilang nagawa
Hindi pa rin nila naintindihan
Dahil wala naman silang pakialam
Kasi kahit anong sumbong ko sa kanila
Nakasara ang kanilang tenga
Ayaw nilang marinig
Ang biak kong tinig
Kaya naintindihan kita
Naintindihan ko kung bakit gusto mo mag isa
Kasi gusto mong lumayo sa kanila
Lumayo sa mga taong tanga
                                      
                                          
                                  
                                              YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
