"Ikaw ang Nais"
Ang tagal kong naghintay
Naiinip na ako sa'king buhay
At ngayon ikaw ay binigay
Tila nawala lahat ng lumbay
Ang puso kong dating bigo
Ay unti unting nagbago
Binigyan mong kulay ito
Nais kong sabihin
Ang nasa 'king damdamin
Lahat ng mga hinaing
Gusto kong palabasin
Ako'y magsasalita na sana
Ngunit ako'y natatakot na ika'y mawala
Takot akong maulit muli ang ginawa nila
Takot akong magtapat sa'yo
Baka ako'y layuan mo
At hindi na babalik muli sa piling ko
Gusto lamang kita pero hindi ako susugal
Sapagkat para na rin ako nyang nagpapatiwakal
Alam ko rin namang hindi tayo magtatagal
Lahat kayo ay mang iiwan
Lahat kayo bigla akong susukuan
Lahat kayo ayaw akong pakisamahan
Alam kong kapag ako'y nagtapat
Hindi pa rin ako magiging sapat
Sapagkat ako ay isang pabigat
Hindi ako maaari sa'yo
Kasi alam ko ang totoo
Na hindi naman ako ang gusto mo
Ngunit sana manatili tayong ganito
Manatili tayong magkasangga sa kahit ano
Upang kahit papaano ay makakalaban pa ako
Malalabanan ko lahat ng reklamo sa buhay ko
Ikaw, ako, hindi maari
Napaka imposible
Dahil ako ay marumi
At ikaw ay napakabuti
Ako ay hindi maari sa'yo
Kasi marami akong tinatago
Isa lamang akong sakit ng ulo
Sakit sa ulo at puso mo
Nais kitang protektahan mula sa sakit
At lumaya ka sa lahat ng pait
At ikaw ay pasayahin kahit saglit
Isa lamang ang aking nais
Ang 'wag kang umiyak ng labis
Sapagkat ako rin ay naghihinagpis
Kapag nakikita ko ang mga mata mong namamawis
Oh mahal, sana'y 'wag mong sukuan
Ang buhay mong minahal kong lubusan
'Wag mong hayaang ang puso mo'y muling masaktan
Sapagkat hindi ko iyon makakayanan
YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
