"Kaibigan"
Nagsimula sa simpleng tingin
Hanggang sa ako'y iyong napansin
Nung una akala ko wala lang
Wala lang ang aking nararamdaman
Pero bakit habang tumatagal
Ako sa'yo ay napamahal
Akala ko nung una wala lang
Pero habang tumatagal umiiba ang nararamdaman
Umiba ang aking titig sa'yo
Umiba ang tingin ko sa mata mo
Ang akala ko'y gusto lang kita bilang kaibigan
Pero mali ang aking naintindihan
Sa bawat dampi ng iyong balat sa akin
Iyong napapasaya ang aking damdamin
Na kahit wala iyong malisya para sa'yo
Sa'kin ay may ibang kahulugan ito
Oo traidor ako!
Traidor dahil minahal ko ang dapat kaibigan lang
Minahal ko ang lalaking aalis rin pala kalaunan
Minahal kita kahit ang turing mo sa'kin ay kaibigan lang
Hindi ko man personal na masabi sa iyo itong damdamin ko
Tinitiyak kong balang araw malalaman mo rin ito
Balang araw makikita mo ang pagmamahal ko
Balang araw, pero ang araw rin na yun ay itatakwil mo ako
Itatakwil mo ako dahil pinagkatiwalaan mo ako
At pasensya kung nagmahal ako ng tulad mo
Nagmahal ng taong kaibigan lang dapat
Pero pasensya at hindi ako nakuntinto sa dapat
Sa paglayo mo sa'kin sa susunod na buwan
Mag ingat ka't ako'y wag mong kalimutan
Ayaw kong sabihin ang nararamdaman
Dahil takot ako na iyong husgahan
Na kahit malayo ka na at hindi mo na ako makikita
Takot pa rin ako sa mga salitang bibitawan mo
Kaya titiisin ko ang nararamdaman ko sa'yo
Dahil hindi ko ipipilit ang sarili ko
Walang pumipilit sa'yong mahalin rin ako
Kasi unang una sa lahat gusto lang naman kita
Kaya sapat na ang makita ka
At makasama kahit maikli ang oras na binigay ni bathala
YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
