TULA 2.4

15 0 0
                                        

"Binata"



Isang tula para sa isang binata
Na minahal ko ng hindi halata
Tila ikaw ay isang mahiwaga
Sapagkat umibig na lamang ako sa'yo bigla




Hindi ko mawari kung bakit may pagtingin ako sa'yo
Nakakatwa lamang dahil ikaw ay isang bolero
Hindi ka naman pasok sa mataas na pader na binuo ko
Para hindi na muling tumangis ang kaawa awa kong puso



Tila may ibang plano nga ang tadhana
Sapagkat ako'y napaibig ng isang binata
Binatang isa sa matalik kong kaibigan
At aking nalalapitan sa tuwing may kagipitan





Nako't anong nangyari sa aking puso Bakit malalim syang nahulog sa'yo
Tila ikaw ay naging isang bangin
Ako'y iyong napaibig sa pamamagitan ng malakas na hangin





Hindi ka naman matipuno kung aking titingnan
Ngunit ng dahil sa iyong katalinuhan ako'y kinilabutan
Kasabay nun ang mabilis na pintig ng aking puso
At laging pangalan mo ang tukoy nito




Ngunit ako'y nalulungkot ng ika'y lumisan
Para bumalik sa iyong pinanggalingan
Bakit pa ba humayo ka papunta rito sa lugar ko
Kung hindi ka naman pala magtatagal at maninirahan rito




Tanging larawan mo na lamang ang aking kinakapitan
Para manatili ang tibok ng aking puso sa kabila ng ating pagitan
Sapagkat ako'y nangako sa aking sarili na magiging tapat ako
Tapat na magmamahal sa'yo kahit hindi mo alam ang nararamdaman ko





Hindi ko tiyak kung kailan muling magtatagpo ang ating landas
Ngunit sa pagtatagpong iyon ay makikita ko na ang lunas
Lunas ng pangungulila sa taong hindi naman naging akin
Ngunit pinapangarap kong balang araw ay aking makapiling





Nananalangin ako kay bathala
Na balang araw ay makita ka
Nais kong masilayang muli ang iyong mukha
Nais kong ngumiting muli kasama ka





Sana'y sa iyong pagbabalik ikaw ay hindi pa rin nagbabago
Sana'y kasing takaw at kulit ka pa rin gaya ng pagkakakilala ko sa'yo
At ang huling sana ko, sana ay wala ka pang minamahal pagbalik mo
Sapagkat ang puso ko ay laging naghihintay sa'yo





Alam kong impossible ang salitang 'tayo' sa pagitan nating dalawa
Ngunit hindi ako marunong sumuko at kaya kong patunayan na maaari tayo para sa isa't isa
Nilisan mo man ang lugar na ito
Ngunit ikaw pa rin ang syang nananatili sa isip ko




Marami na ang sumubok na binata sa akin
Ngunit presensya mo ang hanap ng aking damdamin
Kakaiba ka nga, binata!
Ikaw ay kahangahanga




Tanging ikaw lamang ang syang nakabuo sa puso ko
Ikaw lamang ang binatang pinagtaguan ko
Paumanhin ngunit nais ko ang mapalapit sa iyo
Kaya't hindi ko maamin na may gusto ako sa iyo



Hindi magpapaalam ang matigas kong damdamin sa'yo, sinta
Sapagkat aking nasapantaha na ika'y kakaiba mula sa iba
Ikaw ay may angking taglay na wala sa ibang sumubok na
Kaya't sinasabi ko sa'yo, kaya kong maghintay kahit ilang taon pa

Forbidden PoetryWhere stories live. Discover now