"Limot"
Hindi ko man maamin
Ngunit sana'y iyong mapansin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong manhid na damdamin
Mahirap sabihin
Kasi alam ko namang hindi ka na babalik sa'kin
Alam ko namang may iba na sa'yong umaangkin
Hindi kita gustong umalis
Ngunit ikaw ay nagdisisyon ng mabilis
Hindi ko man lang nasabi ang lahat ng nais
Huwag kang mamilit na kalimutan ka
Kasi iba ang iyong karisma
Sa puso kong gusto kang makasama
Sa totoo lang gusto kong kalimutan ka
Pero kailan ba talaga iyon magagawa?
Sobrang bagal ng proseso ng aking puso
Sobrang bagal nyang kalimutan ang lahat ng pag aalaga mo
Bawat lugar, gamit, pagkain at kung ano ano pa
Ikaw ang palaging kong naaalala
Kahit sa himig ng kanta
Ikaw ang syang alintana
Ako ba'y kinulam
O sadyang nagpapakabaliw lang?
Mahirap kang kalimutan
Pero yan ang syang susunod na gagawan ng paraan
Bawat gamit at alaala na iyong ibinigay 
Ay aking nilalagay sa puso kong dalisay
Aking nilalagay kahit pa masasakit na bagay
Ang sabi ko noon ay ayaw ko na
Ayaw na kitang makita
Ayaw na kitang maalala
Ngunit ng makita ka
Biglang bumalik lahat ng masasaya at malulungkot na alaala
Ikaw na syang pinaramdam sa'kin lahat ng pagmamahal at pag aalaga 
Ay hindi ko inaakalang iiwan ako't pabayaan na lamang mag isa
Hindi ko inaasahang ganun kalala ang epekto ng iyong mga salita
Salitang himig para sa aking tenga
Salitang nais kong marinig bawat umaga
Salitang mas matamis pa sa asukal at yema
Hindi ko pinalanging bumalik ka
Ang akin lang ay sana makalimutan na kita
Sana makalimutan ko na ang bawat letra sa'yong mga salita
Sana'y hindi na muling magbukas pa 
Ang puso kong nasawi na 
Kung sakaling bumalik ka
At sabihing bigyan mo pa ako ng isang chansa
At pangakong uulitin lahat ng pagkakamaling nagawa
                                      
                                          
                                  
                                              YOU ARE READING
Forbidden Poetry
PoetryAko'y samahan nyo papunta sa nakaraan na kung saan tula ang kanilang pamamaraan sa pagliligawan. Lahat ay ibinuhos sa pamamagitan ng tula dahil ito ang syang nagdadala ng payapa.
